" Pero Mom, paano naman yung buhay ko rito sa Manila?"
Kaagad na reak ni Alden sa ibinalita nina Tita Jack pagkarating nila sa Condo.
Tita was planning kasi na mag-vacation muna raw kami sa Bulacan, doon sa may Rest House daw nila na malapit na rin sa ibat- ibang resort.
Sa akin, natuwa ako. Kasi malapit na rin don ang pamilya ko. Ilang sakay na lang keriboom boom na. So pabor na pabor ako don.
Hindi katulad nitong si Alden, naging over acting at biglang bumusangot na naman ang mukha.
Aha! Ganyan nga kapag nang-aasar kanina, nakakarma.
" At bakit? May iba ka pa bang inaasikaso rito? E diba puro ka lang naman barkada?" Tita Jack said.
" But Mom--"
" Sige na Alden, makakabuti rin sa inyo yon ni Maine. Dahil masosolo niyo na rin ang isa't-isa. Besides, walang mga istorbo doon. Wala ang mga barkada mong maya't-maya na lang ay tatawag sayo para gambalain ka." Gatong naman ni Tito Richard.
" Tama Alden, besides malapit doon ang family ni Maine. Mas magandang maglaan na rin kayo ng time na puntahan ang family ni Maine don para bisitahin." Tita Jack added.
" T-talaga po? Pwede po namin silang bisitahin?Gustong-gusto ko po yun. Finally makakabisita na ulit ako sa kanila." I exclaimed. Natuwa naman kasi talaga ako sa balita nilang iyon.
Jusko matutuwa nito ang tiyak ang family ko.
" Yes naman. Iha. O diba? Great idea right? May mahabang oras na kayo for honeymoon e meron pa kayong time to visit your family and relatives there, Maine. At pakisabi na lang kina Balae na susunod na lang kami doon." Sagot ni Tita Jack.
" Sige po M-mommy. Salamat po." I replied.
" Walang problema, Iha. Basta ang mahalaga ay mag-eenjoy kayo don."
Hay. Talagang mag-eenjoy ako don!
Napalingon naman ako kay Alden.
Nako, beastmode 'to mamaya!
" Paano, iwan na muna ulit namin kayo. At iiwan ko na rin itong mga papeles na dapat mong maihatid dun Alden, sa caretaker ng Rest House natin. Kay Cory, okay?"
Hindi naman sumagot dito si Alden. At walang gana lang nitong kinuha ang iniabot ni Tita Jack.
" Sige na, bye Iha."
" Bye Iho. Happy trip na lang bukas." Pahabol pa ng mga ito bago lumabas ng Condo.
" Sige po, ingat po kayo." Sabi ko. Sabay wave.
" Okay, kayo rin." Si Tito Richard.
Pagkaalis nila ay kaagad ko na ring isinara ang pinto.
At sumunod noon ay humarap ako kay Alden.
At ganon na lang ang ikinabahala ko nang halos matunaw na ako sa matatalim na titig ni Alden. Jusko, eto na.
Maine, maghanda.
" Talagang sumang-ayon ka pa talaga?" May diin sa boses nito.
Kumalma naman ako.
" O bakit? Ayaw mo ba?"
" Ay hindi hindi. Gustong gusto ko nga e. Sobra!" Tila pambabara niya na medyo naningkit pa yung mga mata. Ang kyut niya tuloy.
" Yun pala e." I shrugged. Sinakyan ko na lang yung pambabara niya. Bahala siya. Saka ako humakbang patungong sofa.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanfictionFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...