" Hi." Bati ni Rafael. Ang isa sa mga kaibigan ni Alden.
Ano naman kayang nakaen neto at kinausap ako?
So far naman kasi ay wala akong nakakausap ni isa sa mga kaibigan nitong si Alden. Ma-pwera noong time ng kasal namin ni Alden na ipinakilala ang mga ito sa akin ni Tita Jack. Tapos shakehands lang, den wala na.
" Yes?" Nag-aalangan ko pang tanong. Medyo napasulyap pa nga ako sa likuran ko, baka kako hindi naman ako ang kinakausap.
" Uhm. Si Alden?" Tanong naman nito.
" Uh, u-umalis e."
" Iniwan ka niya?"
Malamang. Pero isang tango na lang ang isinagot ko.
" Anyway, kumusta naman kayo?" Pag-iiba nito saka kumuha ng isang kopita ng wine.
" K-kami? Uhmm.. o-okay lang."
Teka may alam ba 'to sa plano ni Alden? Hindi ko kasi alam e kung ano bang dapat kong isagot.
" Don't worry, alam ko naman yung setup niyo e. So you don't have to keep a secret from me." Ngumiti ito.
Teka..
Nambabasa ba 'to ng may isip ng may isip?
Naku baka mamaya, mabasa rin niyang naga-gwapuhan ako sa kanya. Eeer.
Napatungo tuloy ako ng bahagya sa naisip ko.
Hmm. Gwapo naman kasi talaga itong si Rafael, sunod kay Alden ay ito ang isa rin sa mga napansin ko noong wedding namin ni Alden. Malinis rin itong tingnan, may katangkaran at kapag ngumingiti e lumalabas rin ang aking kagwapuhan. At syempre mukha rin naman siyang mabait.
" Uh. Sorry, medyo nailang ka ba sa paglapit ko?" Tanong niya nang napansing hindi na ako sumagot.
" Uh. Hindi, hindi. Nabigla lang kasi ako." Katwiran ko.
" Ganon ba. Uhm. San raw ba nagpunta si Alden?"
Puro na Alden ang tanong nito. Kainis.
Iniwan nga ako e diba? Badtrip.
" Di ko 'lam e. Nag-comfort room yata." Sagot ko. Well, may kutob naman ako na hahanapin niya si Lauren, pero di ko na lang ipinasyang isagot yun.
" Ganon ba." Sabay lagok nito sa inuming wine.
" Yup." At maging ako e napainom na lang din.
Ilang minuto ang lumipas at katahimikan ang naghari sa aming dalawa. Ewan ko ba. Nahihiya kasi akong kausapin siya. E kasi nga hindi naman kami close e. Diba? At saka ano namang sasabihin ko sa kanya?
Pero mayamaya lang ay mukhang nainip na rin siya sa katahimikan naming dalawa. And that was a good thing, kasi bilang siya ang lalaki e siya na rin ang nagkusa. Diba?" Sang - ayon ka ba sa gusto ni Alden?"
Ha?
" I mean yung setup niyo. Okay lang ba sayo na after he get his riches, maghihiwalay din kayo?"
Ano namang pumasok sa isip niya at naitanong niya yon?
" Uhmm. Yah. Tsaka, hindi rin naman namin gustong makasal sa isat-isa una pa lang e." Dahilan ko.
Pero teka, tumututol yung puso ko. Charing.
" Sabagay, pero hindi mo ba nakikita yung sarili mo na ma-fall sa kanya, sooner or later?" Seryoso nitong tanong na tinitigan pa ako.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
Fiksi PenggemarFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...