Chapter 27: Good News daw.

3.6K 141 7
                                    

Alden's POV

Katulad nga nang pagpayag ko sa kagustuhan ni Maine-- na mismong ako naman yung nag-suggest (haha) ay nanatili pa kami dito sa Bulacan ng isa pang araw. At katulad nga nang inaasahan ko ay naging mas masaya pa si Maine. Kaya siyempre kahit papano, naging masaya na rin ako.

Uy....

O bakit? Gusto ko lang klaruhin na naging masaya lang ako dahil nagkaroon pa ng time sina Maine at ang family niya na mag-bonding.

At yun lang talaga, pramis!

Wala nang ibang kahulugan pa yon. Diba? Diba? Hmm.

Natuwa rin naman ako dahil mas nakilala ko pa ng konti ang family ni Maine. At siyempre mismong si Maine na rin.

Nun ko lang kasi nalaman na mahilig pa lang kumain ng street foods itong si Maine. Especially Isaw - isa raw sa favorite niya. Hmm.

Kaya ayun, pinilit rin ako nitong kumain non. Kaya naman kahit di ako gaanong tumitikim noon sa Manila ay napakain ako ng di - oras dito sa Bulacan nang mag-ihaw ihaw sila. Parang ang KJ ko naman kasi e kung hindi ako makiki-join sa kanila.

So kumain na rin ako ng isaw, barbeque at lahat ng inihaw nila.

And I just found out na masarap nga pala talaga ang isaw atbp.

Napag-alaman ko rin na buong family pala ni Maine ay kapwa may talento sa pagluluto.

So kaya naman pala masarap magluto itong si Maine e. May pagmamanahan naman pala. And besides, napag-alaman kong Culinary Arts raw ang tinapos ni Maine. So that's why again.

But anyway, to make the long story short... masaya ang naging buong araw naming yon. Yun nga lang kinabukasan, nalungkot naman ang family at mga pinsan ni Maine sa pag-alis namin. Wala na lang kaming ginawa kundi kuhanan ng litrato ang last day namin sa Bulacan.

Gustuhin ko mang mag-extend ulit, pero teka.. baka naman umabuso na 'tong si Maine. Besides, atat na rin akong makauwe talaga. I wanna know whats new in Manila na. Sa loob ba naman ng 2 weeks e, wala man lang matinong signal 'tong phone ko e. Kaya baka naman mahuli na ako sa in ngayon.

Saka baka mabaliw na rin ako rito kapag si Maine lang at si Maine ang kakausapin ko. Hmm.

May huling sinabi pa nga sa'kin si Tito Teodoro bago kami umalis e. At hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko.

"Alden, alagaan mo itong Anak ko ha? Do what is right bago pa mahuli ang lahat. At sana sa susunod na uwi niyo dito, maging mas makakatotohanan na ang lahat."

Yun ang mga katagang sinabi sa'kin ni Tito na hindi ko naman maintindihan kung bakit ang mga katagang iyon ang napili niyang sabihin sakin..

What does he mean by that? Tsk. Napaisip tuloy ako.
.
.
.
.

Pagkauweng - pagkauwe namin ni Maine dito sa Condo ay ilang oras lang at umalis ulit ako.

Nabasa ko kasi ang text ni Jacob e.

" Dude, are you finally came back here at Manila? Kita tayo ng tropa. Dating gawi. 8pm."

E saktong 7:30 na kami nakauwe, so ayun nagmadali na akong umalis kahit na ba advance pa ng 30 minutes. Wala e. Kanina pa kasi akong hindi mapakali.

Ewan ko ba, pakiramdam ko'y may kung ano talagang bumabagabag sakin. At kung anuman yon. Hmmp. Forget it.

Nagpaalam lang ako kay Maine at umalis na rin ako kaagad.

Saktong alas otso ay nakarating ako ng Bar. Una kong naabutan si Jacob na nasa may table na madalas naming tambayan dito sa loob ng Bar.

Mag-isa lang ito doon.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon