" Maine saglit!" Narinig kong tawag ni Alden nang makalabas ako sa Restaurant. Sinundan pa talaga ako ng bruho.Bakit pa ba kasi niya ako nakita?! Kainis! Lalo niya tuloy maipapamukha sakin na kawawa ako dahil nakita ko siyang nakikipagdate! Letche!
" Maine ano ba?!" Tuluyan niya akong nahabol sa kabila ng mabilis kong paglalakad.
Hawak - hawak na niya this time ang isang braso ko, kaya kaagad rin akong napaharap sa kanya.
" Bakit mo pa ba kasi ako sinundan? Bumalik ka na don!" Angil ko sa kanya. Pero hindi pa rin nagbago ang reaksiyon ng face niyang kay gwapo este serious look.
" Nandito ka pala?" Tanong niya na ikinairita ko.
" Ay wala, wala! Picture ko lang 'to." Pero hindi niya pinansin ang pambabara kong yun at sa halip ay nagtanong ulit.
" Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sabay palis ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
" Aba bakit? ikaw lang ba ang pwedeng kumain sa mamahaling resto na to?" Pinagtaasan ko talaga siya ng kilay! Yabang neto!
" I mean.. here in Manila."
" Bakit mahalaga pa ba yon sayo?" Hindi pa rin bumababa ang isang kilay ko.
" Maine will you please answer me nicely? Anong ginagawa mo dito? Why are you here in Manila?"
" W-wala! Masama bang bumalik dito? Hindi naman porket taga-Bulacan ako, hindi na ako pwedeng magawi rito, diba?" Sagot ko sa kanya na may kasama pa ring pagtataray, kaya ewan ko ba kung yun ang naging dahilan para matameme siya.
" Mabuti pa bumalik ka na lang don sa date mo, hinihintay ka na ni Lauren." Oo! May pait sa boses ko nang sinabi ko yon.
" Maine, it's just a dinner.. I'll just invite her because—"
" You don't have to explain that to me, Alden. Besides may karapatan ka naman i-date siya e diba? Matagal mo na ngang pangarap yon diba?" Promise trinatry kong hindi maging bitter pero sa loob loob ko. Damn!
" Maine it's not—" Pero hayan siya't kung ano ano pa ang gustong idahilan kaya pinutol ko na agad.
" Sige na Alden, kung nagkita man tayo ngayon dito, it's just coincidence. Bumalik ka na kay Lauren, and don't mind me." May diin kong pahayag.
Weh di nga, Meng? URGH!
" Pero Maine, please... can we talk after this?" Maamo niyang saad. Tss di mo ako makukuha sa ganyan!
" Ano pa bang pag-uusapan natin? Wala naman na diba? Kaya I don't think it's a good idea na makipag-usap pa ako sayo. Sige na—" Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan niya ulit ako sa braso.
" Maine, pero kailangan nating—"
" Alden please? Hindi ako pumunta dito para makipag-usap sayo. Nandito ako sa Manila dahil ni Kimpoy. Binisita ko siya, and that's it!"
Natahimik siya sa sinabi kong iyon kasabay nang pagtanggal ng mahigpit niyang hawak sa braso ko. Pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin ng diretso at tila kay amo ng mukha. Tssk!
Hindi ko tuloy alam kung tama ba na iyon ang idinahilan ko dahil hindi na niya nakuhang sumagot pa bagkus ay parang naramdaman kong nalungkot pa siya. Tss. Nalungkot nga ba?
" Alden. What's wrong in here?"
Boses babaeng nagmula sa likuran ni Alden. Napatingin tuloy ako doon. Pero si Alden ay nanatiling nakatitig sakin.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanfictionFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...