Alden's POV
BADTRIP talaga! BADTRIP?!
Bakit kasi hindi ko muna inalam na ganoon ang plano nina Mom and Dad? E di sana, tuluyan na lang akong hindi pumayag sa kanilang pagkakasundo sa amin ng babaeng yon. (Ni Maine)
Imagine that? Kailangan ko muna pa lang mag-kaanak bago nila tuluyang ibigay sakin ang mamanahin ko.
How unfair they are!
Lalo na't hindi pa naman ako handang magkaroon ng anak! Kakainis naman e. Pag nga naman minamalas ka.
So paano na ako ngayon? How will I get that riches from them, kung ganoon ang kasunduan na binigay nina Mommy?
Haist.
Napailing na lang ako ng sunod-sunod habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada sakay ng kotse ko. At iisa lang naman ang naiisip kong puntahan, si Rafael. Which is ang kaibigan kong may-ari ng Bar na palagi naming pinupuntahan ng tropa ko. At natitiyak kong andun na rin ang tropa sa mga oras na 'to.
Siguradong kakantyawan na naman ako ng mga yun, kapag nalaman nila ang problema ko.
Bakit kasi ganito? Parang ipinagkakait talaga sa akin ng tadhana ang manang iyon. Bwisit!
Kung di ko lang talaga kelangan yon e matagal na akong lumayas sa lugar na 'to.
Napaka-unfair kasi ng magulang ko. Ilang beses rin naman akong nakipagtalo sa kanila about that. Pero matigas pa rin sila.
Lalo na sa akin.
Ako raw kasi ang taong sasayangin at uubusin lang sa wala ang mga bagay na pwede nilang ibigay, katulad nga ng ipapamana nila.
Kaya magtino raw muna ako, bago ko iyon tuluyang makuha.
Pero diba nga eto na ako. Pumayag na ako sa gusto nila na magpakasal sa isang babaeng ni hindi ko naman pinangarap makasama sa tanang buhay ko.
Pero ano? Naghahangad pa sila na anakan ko yun?
What the hell!?
Nasisiraan na talaga sila. Tsk.Tsk.
Kanina ay nakipagkasundo ako kay Maine na mag-isip kami ng paraan kung anong mas mabuting gagawin.
Pero ang ending, wala rin naman akong napala dito.
Kakainis. Urgh.
Puro naman kasi walang sense ang naiisip nitong si Maine. Ayun tuloy, nauwe lang sa biruan at asaran ang lahat.
Pero in fairness, malala pala talaga ang sapak ng babaeng yon.
Imagine that, napatawa niya ako kahit may iniisip kaming problema.
But anyway, bakit ko ba iniisip ang babaeng yon?
So I suddenly shook my head.
Kaagad ko na ring ipinark ang kotse ko sa harapan ng Bar na pagmamay-ari ng kaibigan ko, nang makarating ako.
At pagkapasok ko nga sa Bar ay tama ang hinala ko. Andon na ang tropa.
" Uy bro. There you are, akala ko aabsent ka e." Bati agad ni Jacob pagkakita sa'ken.
" Oo nga Bro, akala namin ayaw mo nang iwan si Maine." Kantyaw naman ni Sam. Sabi ko na e. Magsisimula na naman ang mga ito.
" Mga loko." Sabi ko na lang.
" Kumusta Bro?" Unang tanong naman ni Rafael.
" Eto badtrip!" Sabay salampak ko sa upuan, kaharap ang tropa.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanficFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...