Chapter 32: Dysmenorrhea

3K 157 5
                                    

Habang daan ay ramdam kong balisa si Alden sa loob ng sasakyan.. Sadya pa nga nitong binabagalan na tila may iniisip pa yatang paraan kung paano namin ito malulusutan.

Tss. Dahil kung hindi niya talaga ito gagawan ng paraan ay mabubuking kami.

Hindi lang mabubuking at tiyak na malalagot kami kay Tita, kapag nagkataon. At paano na ang mamanahin ni Alden?


Ngunit mayamaya ay bigla ko namang naramdaman ang biglaang pagsakit ng aking bandang puson.

Tss. Wag naman sana ngayon. Please. Not now. Mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang dahilan ng pagsakit niyon. Napahaplos tuloy ako doon.

Pero habang papalayo kami sa clinic na pinuntahan namin kanina ay lalong dumodoble yata ang sakit na nararamdaman ko.

Takte! Traydor pa naman 'tong puson ko. I swear!


Kaya naman pala kanina ay may nakita na naman akong tagihawat malapit sa labi ko. Tss. Sa halip tuloy na isipin ko ang problema ni Alden, ay unti unti na akong namimilipit sa sakit at napapangiwi.

Napansin tuloy ako ni Alden. At habang si Tita Jack naman ay nasulyapan kong nakatingin sa bawat dinadaanan naming lugar.

" Okay ka lang ba, Maine?" Takang tanong nito kahit na bakas sa mukha ang iniindang problema.

" Uh. Oo." Napapangiwi ko pa ring saad.

" Bakit parang namumutla ka yata?"

Kaya naman pati si Tita Jack, naagaw na rin namin ang atensiyon.

" Maine, what's wrong?"

" Uh Tita, wala po." Iling ko. Pero pagkasabi ko niyon ay may kung anong likido na akong naramdamang naglandas sa pang-ibaba ko. Shit!

Buti na lang pala nakapantyliner ako. Tss. Paano na?

I wanna go home....

" You're not okay, right? Anong nararamdaman mo?" Tanong pa rin ni Alden.

Pero nahihiya naman akong banggitin iyon kay Alden. It's a girl thing he wouldn't understand, you know.

At saka kapag sinabi ko ang totoo, maririnig ni Tita. Haler, buntis buntisan tapos meron? Urgh! Lagot na lalo ako nito kay Alden.

Pero hindi ko na talaga kinakaya ang sakit nito, at hindi ko na maiwasang hindi ipikit ang mga mata ko. Shit! Why now, red flag? Grr.

" Iha, are you alright? Sabihin mo sa'min ang nararamdaman mo." Nag-aalala na rin si Tita Jack at halos nakadungaw na ang ulo nito sa may upuan namin ni Alden.

Itinigil tuloy bigla ni Alden ang sasakyan sa tabing kalsada at bumaling silang dalawa sa akin.

" Uh.. M-mommy, medyo sumama lang po yung pakiramdam ko." Napilitan ko nang sabi sapagkat nakikita kong pinag-aalala ko na sila.

" Ganon ba? Alden mabuti pa paandarin mo na itong sasakyan at bilisan mo na lang. Para mapacheck-up na natin itong si Maine. God! We have to know what's going on with her."

Naku. Ano ba yan! Lalo naman yatang di naging maganda itong sinabi ko.

Pero hindi natinag si Alden at nanatiling nakatigil ang sasakyan.

" Hey, what's wrong? Anong nararamdaman mo?"

" Uhm. Pwede bang umuwe na lang tayo, Alden?"

" Why, Iha? Mas mabuting ipacheckup na rin natin yang nararamdaman mo ngayon."

" Pero Mommy, gusto ko na lang po sigurong ipahinga 'to." Me facing to Tita Jack. With ngiwi face. Tsk.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon