Chapter 25: Confused.

3.4K 130 5
                                    

Alden's POV

It was on the plan. It is, Alden... it is.

Yan ang mga katagang pilit kong ipinapakain sa utak ko ngayon.

Kasi nga, nasa plano ko naman talaga ang magkunwari sa lahat ng bagay na tungkol sa amin ni Maine e. Diba?

Pero bakit ganoon yung naramdaman ko kanina habang sinasabi ko kay Clarence na hindi ko pababayaan si Maine? Bakit feeling ko habang nangangako ako kay Clarence kanina, e parang totoong-totoong gagawin ko ang mga yon?

At higit sa lahat, parang galing sa puso?

Uh. Ewan! Ang gulo ko. At hindi ko na talaga maintindihan kung bakit pilit ko pang iniisip yon.

Takte naman e.

Pero paano ba naman nga ako titigil sa kakaisip e kay Maine pala ako nakatingin ngayon.

Actually, nakatitig.

Nasiyahan kasi akong pagmasdan siya kasama ang mga pinsan niya. At tulad nang napagkasunduan, magpapakain kami sa kanila. Kaya heto sila abala sa pag-preprepare ng lulutuin.

Well, actually. Sinakyan ko na rin ang sinabi ni Tita kanina. Buti na lang may pocket money pa ako na galing sa savings ko.

Naisip ko rin naman kasing, bakit nga naman hindi mag-celebrate kasama ang mga pinsan ni Maine? Tutal, ngayon lang naman ulit sila nabuo at feeling ko sobrang saya nila nang dumating si Maine.

Kaya pa-salamat sila, nasa mood ako.

At sa mismong kinauupuan ko ngayon ay napansin ko ring ang saya-saya nilang pagmasdan. Tuwang-tuwa sila sa kakengkoyan ni Maine. Patawa kasi ito nang patawa. Yung tipong nagmumukha na siyang clown sa harapan ng mga pinsan niya. Na para din siyang isang de-bateryang laruan kung pagkasiyahan ng mga ito.

Maging ako nga e paminsan-minsang nadadala na rin sa pinag-gagagawa niya.

Di ko na nga alam kung anong itsura ko sa ngayon e. Hangang-hanga kasi ako sa ginagawa ni Maine. Kayang-kaya niyang pasayahin ang mga pinsan niya.

At ewan ko, pero parang naging mas maganda siya sa paningin ko ngayon. Yung tipong hindi nahihiyang ipakita ang baliw side niya. Tapos napaka-natural at totoong - totoo ang mga ngiti't- tawa niya.

" Ang ganda ng anak ko no?"

Napapitlag ako nang magsalita si Tito.

Naku katabi ko nga pala si Tito. Actually kanina lang e nagkukuwentuhan kami pero di ko na alam kung bakit napunta ang atensiyon ko kay Maine.

" P-po?" Lingon ko kay Tito Teodoro na dapat Papa talaga ang tawag ko e. Peroo.. diba nga, actingan lang to uy!

" Pagmasdan mo sila Iho, ganyan sila kasaya kapag nandirito si Maine." Sagot naman nitong nakatuon parin ang atensiyon kina Maine.

So I switched. Tiningnan ko na ulit sina Maine.

" Alam mo Meng, mamimiss ka namin ulit kapag umalis kayo." Pakinig naming sabi nung isa niyang pinsan na mataba.

" Oo nga Ate Menggay. Sayang naman, aalis na kayo bukas. Hindi ba pwedeng one week kayo rito ni Kuyang Pogi?" Si Clarence naman na nagsasabi ng totoo kasi Pogi naman talaga ako. Bwahaha.

" Asus. E ako lang naman ang mababawas sa inyo ah?" Sagot naman ni Maine.

" E yun na nga e, kung sino pa yung nakakapagpasaya sa amin, hindi na lang 'tong si Paolo ang umalis." Natatawang turan ni Kuyang Kalbo na Wally ang natandaan kong pangalan ng ipakilala ni Maine kanina.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon