Pagkapark ni Alden sa basement ng Condo namin dati ay nagmadali itong pagbuksan ako ng pinto. I mean kanyang Condo na lang pala ngayon.
Pagbukas nito nang pintuan sa side ko ay nagulat na lang ako ng bigla na naman niya akong buhatin.
" Ano ba Alden, kaya ko namang maglakad e!" Tutol ko sa ginagawa niya pero hindi niya pa rin ako binaba. Naka-shorts pa mandin ako. Tsk!
" Alam ko. Pero hindi kita pwedeng ibaba dahil baka takbuhan mo lang ulit ako. Kaya bubuhatin kita hanggang kelan ko gusto."
" Grr. Kakainis ka talaga!" Saka ko siya pinaghahampas sa likod. Pero tumawa lang ng tumawa ang gago.
" Love mo naman. Diba?" Ramdam ko sa boses niya ang saya. Damn Alden!
" Tigil tigilan mo ako Alden ha! Ibaba mo ako!"
" No no no! Unless you say the magic word." Pa-sweet pa niyang sabi. Grr!
" Aaaah! Magic word ka pa diyang nalalaman." Irap ko sa kanya.
Hiyang hiya tuloy ako sa ilang taong nakakasalubong namin ni Alden papasok ng Condo. Maging sa elevator kasi ay hindi pa rin talaga ako nito ibinaba. Tssk! Wtf?!
Pakiramdam ko tuloy ay pulang pula na ang mga pisngi ko. Lalo na't pinagtitinginan na kami ng nakakasalubong namin.
Naman Alden eeee!
Laking pasalamat ko na lang nang sa wakas ay narating na namin ang unit niya. Saka pa lang ako nito ibinaba nang makapasok kami ng Condo. Kaagad niya itong isinara. As if naman tatakbuhan ko pa siya! Kinidnap na nga ako diba? Pektusan ko dimples neto e! Hmp!
Tahimik akong umupo sa couch pagkatapos. At mayamaya ay inilinga ko ang tingin ko sa paligid ng Condo.
Nothing was change. Ganito pa rin yung style, walang nadagdag .. walang nabawas.
Medyo magulo nga lang dito ngayon. Nagkalat pa yung mga Cd's na ewan ko ba kung kelan pa pinanuod ng bruhong ito at mukhang inabot na nang amag doon.
" Did you miss here?" Napagtanto ko na lang na nakalapit na pala si Alden sakin sa may couch at nakaupo na din. Medyo nakaramdam naman ako ng ilang. Ang lapit niya e. Tss. Ene be!
" Because me? I really miss you being here." Sabay papungay pa niya ng kanyang mga mata sakin.
Sus! Chura neto. Wag mokong ginaganyan Alden. OMG eto na naman yung distracting dimple. Alam na alam yata nito ang kahinaan ko! Pero inirapan ko pa rin siya bilang sagot.
Pinilit ko ring pigilang mapangiti sa sinabi niya. Bagkus ay tumingin na ako sa ibang gawi. OMG! Bakit ganito? Parang ilang bagay lang na sasabihin niya tiyak na bibigay na ako! Damn Maine, umayos ka!
" Hey? Are you not going to talk to me? Parang nawala yata ang pagkadaldal mo ngayon?" Puna niya tapos binalak pang hawakan ang chin ko. Excuse me!
" Tigilan mo ko Alden." May pagbabanta kong tugon.
" Maine, sinunod ko na yung sinabi mo sakin dati na tigilan muna kita. Kaya ngayon, ako naman yung masusunod. Gagawin ko yung gusto ko. At katulad nang sinabi ko sayo kagabi, papatunayan ko sayo na totoo lahat ng sinasabi ko sayo kagabi."
Paano kung di ko pala kayang marinig ang mga magpapatunaw ng husto sa puso ko? Tss. Arte mo Menggay ha!
" What? Are you not going to interrogate me now? Bakit parang napipi ka na diyan?" Jusko palapit na siya ng palapit.
" Tss. Layuan mo nga ako! Masyado ka nang malapit." I warned him. Pero pinagtawanan pa ako.
" Wow. Ang hard! Alam mo ikaw. Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na gustong gustong pinapalayo yung mahal niya."
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanficFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...