Chapter 31: Paano na?

3.1K 135 12
                                    

" Is that true, Maine?! You're pregnant?"

Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang itanong iyon ni Tita Jack pagkasabi ni Alden na buntis ako.

Wtf. Paano ko sasagutin sila nang hindi ako kinakabahan man lang.

Feeling ko kinakatalo ako ng konsensiya ko ngayon. What should I have to tell them?

Pero sabi ko nga wala naman akong choice. Kundi sumang-ayon diba?

" Totoo ba ang sabi ni Alden, Maine? Kelan niyo naman nalaman, at teka... that was fast huh." Ani Tita na halatang shocked pa sa nangyare.

Tumingin ako kay Alden at parang nababasa ko sa kanyang expression na nagsasabing " C'mon speak up!"

Dahil kung hindi. Lagot na.

Kaya mabilis ko namang hinarap kaagad sina Tita. Na hinihintay rin sa akin ang kumpirmasyon.

" Uhmm... Y-yes Mommy. B-buntis po ako." Tila hirap ko namang saad. Saka ako muling napayuko.

Ang hirap. Ang hirap magsinungaling! Tss.

Di ko kayang harapin ang titig nila sa akin.

Pakiramdam ko'y isa akong nasasakdal sa lagay ko ngayon, na hindi ko alam kung papaano haharapin ang lahat ng pagkakasala kong ito.

Ilang minutong natahimik sina Tita Jack at Tito Richard. Hindi ko alam, if that was really a good idea na ganoon kabilis ay sinabi na namin iyon sa kanila.

Natuwa ba sila? Naniwala ba sila? O kaya sila natahimik ay dahil ayaw nila sa ibinalita namin?

Pero diba mas gusto pa nga nilang magkaroon na ng anak si Alden?

" B-bakit Mom, hindi po ba kayo masaya sa ibinalita namin? Dad?" Nagtatakang tanong ni Alden.

At mayamaya'y kaagad ring ngumiti si Tita Jack.

" A-alright. Of course, we're happy! I was just kinda shocked you know, Alden. But I'm so happy for both of you. We're happy for both you, rather. Ang bilis ha! Alden, you didn't tell me that you're that fast huh?" Masaya na nitong turan.

Pakiramdam ko tuloy ay nag-init ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Tita Jack.

Ang iniisip niya siguro ay may nangyare agad sa'min talaga, ilang araw pa lang kaming kasal. Shocks!

Nakakahiya 'tong si Alden. Hays.

" Nakapag-pacheckup na ba kayo?" Tito asked na halatang hindi rin makapaniwala.

" A-actually hindi pa po Daddy, but we're going to... tomorrow." Alden immediately answered. At pagkatapos ay nginitian ako. At parte yun ng acting niya, panigurado.

" May I see the pregnancy test you used, Maine?"

Nanlaki ang mga mata namin ni Alden sa sinabing iyon ni Tita.

Jusko! We're not yet prepared pa pala.

We did not even have the idea na tatanungin ni Tita ang tungkol sa pregnancy test kuno na pinag-test ko. Paano na 'to Alden?

" Uhm. Mom, hinahanap nga namin kanina e.. Ano kasi, na na-misplaced ni Maine. So siguro bukas na lang, kapag nagpacheckup ulit siya. We're going to test it again." Tila natarantang sagot naman ni Alden.

Talagang may sagot pa rin siya sa lahat ah.

" Okay sige. Pero let us finish our food first, para mapag-usapan ang tungkol dito." Ani Tita.

Pero pagkatapos noon ay muli kaming nagkatitigan ni Alden.

Tagumpay ba kami sa pagsisinungaling?

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon