Chapter 52: Unang Pagkakataon

3.8K 263 20
                                    

BABALA: MAY MAHAROT NA EKSENA. HAHAHA. KONTI LANG NAMAN


Kinabukasan ay nagising ako sa kalabog na narinig ko mula sa kwarto.

At pagmulat ko nang mga mata ko ay luminga kaagad ako sa paligid at nasulyapan ko si Clarence doon sa may pintuan at mukhang kabubukas lang nito ng pinto.

" Ate Meng! Goodmorning!" Sigaw nito. Akala ko mag-isa siya pero kasunod nitong iniluwa ng pinto ay si Kuya Paolo.

" Naku Meng pasensiya ka na dito kay Clarence ang kulit kasi ayan nagpilit pumasok ng kwar..to."

Luminga ang mga mata ni Kuya Paolo kaya bigla rin akong naalarma.

Di nga pala kami magkatabi ni Alden matulog. Kaya paniguradong magtataka ang mga ito kung bakit sa couch natutulog si Alden.

Tssk. Paktay!

Oo at binabalak ko na rin namang sabihin sa kanila ang totoo pero hindi naman yata sa ganitong paraan gusto kong malaman nila ang totoo.

" Ay taray, may LQ na naman ba kayo? Bakit sa couch natutulog si Alden?" Nagtatakang tanong ni Kuya Paolo.

" Oo nga, Ate Meng. Kawawa naman si Kuya Alden." Si Clarence.

Naku jusko! Sinasabi ko na nga ba!

Kaagad tuloy akong napabangon at pinuntahan si Alden sa may couch para gisingin.

" Naku wala wala Kuya. Ewan ko ba dito.. kung bakit dito humiga. Kagabi naman kasi dito naman yan nakahiga sa tabi ko. Baka.. baka ano nag- nag-sleep walk." Palusot ko na ewan ko ba kung bumenta.

Niyugyog ko kaagad ang balikat ni Alden.

" Alden, gising na. Alden bakit ba diyan ka natutulog?" Pakunwari kong tanong.

" Ha...e? Ba.. ba ..kit san pa ba ako dapat matu..tulog?" Sagot nitong inaantok pa at medyo husky pa yung voice. Jusko!

" Ano ka ba edi siyempre sa tabi ko." Shet bahala na ito.

" Ha? Ikaw ha.. Di ko naman alam na..." Nanunukso nitong sagot pero kaagad ko itong binulungan na nandito sina Kuya Paolo kaya naman mabilis itong napabalikwas sa pagkakahiga sa couch.

Nagkusot ito kaagad ng mata..

" Pao! Clarence!" Gulat na gulat nitong bati.

" Jusko Alden, bakit naman diyan ka natutulog? Sinipa ka ba nitong si Maine?" Natatawang tanong ni Kuya Pao.

" Ha? Ah e... Ano kasi... nag-nagCR kasi ako kanina ... tas naglaro ako sa cellphone... e ayun...di.. dito na ako inabot ng antok ulit." May patingin tingin pa saking sagot ni Alden.

" Hmm ay sya... halina raw kayo sabi ni Ate Cory.. handa na yung umagahan." Yaya ni Kuya Pao saka pa sila lumabas ni Clarence mula sa kwarto.

Nagkatinginan kami ni Alden at napatawa sa isa't-isa.

" Muntik na tayo don ah!" He said.

" Ikaw naman kasi e, dapat don ka na lang sa kama natulog."

" Bakit okay lang ba yun sayo?"

" Jusko naman Alden, para namang hindi pa natin naranasang magtabi sa iisang kama." Irap ko dito.

" So mamaya.. magtatabi na tayo?" He smirked. At tinitigan ako nito ng mapanuksong tingin. Shit!

Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag-iinit sa magkabilang pisngi ko.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon