Wala akong ginawa kundi ipilit na iidlip na lang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ngayon. Oo lahat!
Mula sa pesteng dysmenorrhea na ito at hanggang sa yung pinabayaan na lang ako ni Alden. Shet ang arte ko na talaga!
Naalimpungatan ako sa narinig kong marahang pagbukas ng pintuan ng kwarto. Nakadapa ako at sa ilalim ng puson ko ay mayroon akong inilagay doong unan para maipit ang puson ko. Na kahit papaano ay maibsan naman ang sakit sa puson na nararamdaman ko.
Napalingon ako sa pintuan at nakita kong si Alden ang papasok doon.
O ano na namang ginagawa ng isang ito dito?
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang may dalang tray na ewan ko ba kung anong mga laman. Maybe foods?
Teka anong ibig sabihin nito?
" Maine... kumaen ka na muna .. nagluto ako, baka kasi nagugutom ka na rin, tanghali na kasi e." Sabay lapag nito ng tray sa katabing table nang kama at tumingin sa akin. Nanatili pa rin ako sa posisyon ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko at tama nga siya lampas alas dose na. Ibig sabihin, nakatulog pala talaga ako. Pero bakit di pa rin nawala ang sakit nitong puson ko? Tss.
" Maine... bangon ka na muna. Kaya mo ba? I brought you medicine. Pero mas magandang kumaen ka na muna." Nagtaka ako sa sinabi niya.
Wait. Is he showing some concern? If that so...
Then I should say to myself 'WOW! It's new.
" Bakit nag-abala ka pa?" Tanong ko sa mas mahinahong boses unlike kanina bago ko siya ipagtabuyan.
" Of course your my wife." He smirked. Hindi ko alam kung para saan yon pero alam kong he was just trying to make me feel comfortable. Or let me say to make me smile sa kabila nang dinaramdam kong sakit ngayon.
Kaya sige na, nginitian ko siya.
" Salamat." Tipid akong ngumiti.
Saka ako bumangon at naupo pa rin sa kama. Masakit pa rin yung puson ko pero kaya pa naman. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko kaya mag-iinarte pa ba ako?
" Here.. kumaen ka na."
Saka nito inilagay sa kama ang tray na hawak niya kanina. O diba. Lunch in bed ang peg ko ngayon.
Nakita ko doon ang niluto "niya" raw na sinigang na karneng baboy at tamang sandok ng kanin. Mukhang mainit pa iyon at bagong luto.
" Luto mo 'to?" Nagtataka kong tanong na hindi pa sinisimulang kainin iyon.
" Yup. Bakit parang sa reaksiyon mo hindi ko kayang gawin yan?" Natatawa niyang sabi.
" Uhm. D-di ko naman kasi alam na nagluluto ka pala."
" Grabe ha. Marunong naman ako. Pero basic lang. Just like that. Saka minsan lang akong magluto. Kapag nasa mood o kaya....... uh nevermind. Basta kainin mo na lang yan, para mainitan ang tiyan mo." He smiled after.
Ehemn.. Pwede ba akong magdiwang sandali? Haler ipinagluto po ako ng isang Alden Faulkerson. At nagluluto lang daw siya kapag nasa mood o... OMG. Tama ba yung naiisip ko?
" Sobrang sakit pa ba? I-i mean... yung nararamdaman mo? Kasi kung hanggang ngayon e sumasakit pa yan binilhan kita ng pain reliver. Sabi nung pharmacist na binilhan ko, ayan daw yung gamot para diyan sa nararamdaman mo. After an hour daw, eeffective na yan." May pag-aalala pa rin sa tono niya.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanficFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...