Nang mga sumunod na oras at araw ay naging consistent na rin ang pagiging good mood ko. Alam niyo naman na kung bakit diba? Because of Alden. Ano pa ba?
And besides this past few days ay naging palagay ang loob ni Alden sa akin. Lagi rin siyang good mood. Ewan ko ba kung bakit. Pero mas iba ang turing niya sakin ngayon and I admit.. I felt good and happy at the same time. Hindi na rin kasi siya ang unang Alden na nakilala ko. We're close na. For real. Hindi na siya ang dating isnaberong Alden.
Hindi na rin nabanggit pa ni Alden ang tungkol sa gagawin naming fake pregnancy nitong mga nakaraang araw.
Until this day come.
" Maine. Can we talk?" Kumatok si Alden sa kwarto habang katatapos ko lang magbihis at maligo. Agad kong binuksan. Kararating lang siguro nito galing sa labas. As usual, kasama ang tropa kanina.
" O Alden. Ang aga mo yata? Akala ko ba--"
" Maine, darating kasi sina Mommy." Panimula nito habang seryoso ang mukha.
" Ha? O e.. what's wrong?"
" Uhm, I think kelangan na rin nating sabihin sa kanila yung binabalak natin."
There again!
" You know, fake pregnancy." Patuloy niya.
Natigilan ako. Here comes again. Akala ko pa naman nalimutan na niya.
Di ko tuloy naiwasang hindi magbago ang maaliwalas kong reaksiyon.
Eto na yun e. Ilang steps na lang, malapit na kami sa dulo ng istoryang ito.
" O-okay lang ba sayo?" Tanong ni Alden na nakapagpaalarma sa akin sa pagkakatulala.
" Uh.. yah, yah.. O-oo naman. Matagal na rin namang plano yun diba. So, it's the right time? I guess." Sagot ko. Na alam naman nating labag sa loob ko.
" Yah. At... may gusto sana akong ibalita sayo." Mayamaya'y ngumiti si Alden.
Ano na naman kaya?
" Ano yun? Good news ba yun o bad?" Pilit ang ngiti ko nang sinabi ko yun. Kinakabahan kasi ako sa kanya e, feeling ko anumang ibalita niya sakin ay hindi naman makakapagpasaya sa akin ngayon.
" P-pero later na lang yon. Paghandaan na lang muna natin ang sasabihin kina Mommy. Is that okay with you? Kailangan kasi makatotohanan e. So?...."
" Yah. Sure. sure."
Ngunit hindi ko pa rin maikakaila sa aking sarili na may pait akong naramdaman nang muli niyang ungkatin ang tungkol sa issue na iyon.
May isang bagay lang kasi akong inasahan.
Yung sana kalimutan na lang niya ang lahat ng tungkol sa plano niya.
Yung sana panindigan na lang namin 'to hanggang huli. Na sana bigyan niya ang sarili niya ng chance na ibaling ang atensiyon sakin.
Na sana matutunan niya rin na mahalin ako, balang araw.
And yes. I already love him. Mahal ko na siya. May feelings na ako para sa kanya.
Kaya aaminin ko na rin sa sarili kong hindi na ako sang-ayon sa planong ito. At hindi na magiging kailanman na sasang-ayon. My feelings are against to this.
Pero may choice ba ako? Gayung one sided lang naman itong nararamdaman ko?
" Maine? M-may problema ba? Sigurado ka bang okay lang sayo?" Marahil napansin niya ang pagkakatigalgal ko.
" Ha? O-oo naman. Oo. Sige pag-usapan na lang natin."
Kaya ang sumunod ngang mga oras ay pinag-usapan namin ni Alden ang sasabihin kina Tita Jack mamaya.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanfictionFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...