Alden's POV
" Wow! Ang ganda-ganda pala talaga dito sa lugar niyo. Ang saya! Ang lapit lapit lang nitong Rest House niyo sa mala-Boracay na dagat. Nakakaexcite naman o!"
Napailing na lang ako ng marinig ko iyon kay Maine pagkababa namin ng sasakyan. Kadarating lang namin dito. At oo, kami lang dalawa talaga. Badtrip diba?
Napailing ako kasi talagang tuwang-tuwa ang babae na 'to sa dinatnan namin. Well oo maganda naman talaga dito, at mayroong sariwang hangin na masarap langhapin.
Pero kasi.. Ay basta. Haist.
Kaya naman ang babaeng kasama ko ngayon e halos wala yatang pagsidlan ang tuwa sa mga oras na 'to.
O di siya na!
" O ano? Di ka ba happy?" Baling ni Maine sa akin. Pero tiningnan ko siya nang nakakaboring.
" Bakit naman ako magiging happy?"
" Sungit naman neto. Mag-eenjoy tiyak ako dito. Pramis!"
" Wala akong pake." Sabay pasok ko na lang sa loob ng Rest House.
E di siya na ang mag-eenjoy. At ako, magpapahinga na lang ako.
Nakakapagod rin kasi ang biyahe namin e.
Pagkapasok ko ay inilibot ko agad ang tingin ko sa buong Rest House.
Katulad pa rin ng dati ito. Napakarelaxing ng mood.
Nakakamiss rin nga pala dito. Noong mga bata pa kasi kami ng mga kapatid ko ay madalas kaming magbakasyon dito.
Masaya dahil, talagang family bonding lang talaga ang magagawa mo dito.
Wala kasing ibang pwedeng pagkaabalahan dito kundi ang maglakad sa may aplaya, manguha ng mga hinog na prutas, sa may malapit na mga puno ng prutasan na pag-aari na rin namin. Tapos natatandaan ko ring madalas na inihaw na isda ang ulam namin dito. Malayo kasi ito sa bayan. As in parang buhay probinsiya. Tapos madalang ring magka-signal ang phone.
At speaking of phone. Heto na nga, napatingin ako sa phone ko.. wala na akong signal. Bwisit.
Dumiretso na lang tuloy ako sa isang kwarto na nandoon na itinuro lang sakin ni Tita Cory-na siyang caretaker ng Rest House namin.
Hay buti na lang, maraming kwarto rito. Finally.. makakatulog na ako ng maayos.
" Ay sir. Sorry po, mali pala ang kwartong pinasukan niyo. Sabi po kasi ni Ma'am Jacklyn dito daw po kayo sa Master Bedroom kasama ang asawa niyo."
Pati ba naman dito, isusupervise ako ni Mommy? Langya.
" What?! Uhm. Hindi na.. dito na lang ako sa isang kwarto. Wag mo na lang sabihin kay Mommy na ganoon ang sinabi ko ha?"
" Pero Sir--"
" Sige na, Tita Cory. Maine and I would be comfortable kung hindi kami magkasama sa kwarto." Pagpipilit ko.
" Ha? Ba--"
" Wag ka nang magtanong, please? Sige na Tita Cory.." At buti na lang wala na itong nagawa kundi sumangayon.
" Sige po."
Kampante rin naman kasi akong hindi naman magsusumbong itong si Tita Cory.
Hindi naman kasi ito madaldal. Hindi katulad nung mga katulong namin sa Laguna. Bawat labas ko e nalalaman ng Parents ko. Kaya yon. Hmm.
Pagkapasok ko naman sa kwarto ay nahiga na lang muna ako.
Tss. Ano ba kasing gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanficFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...