Maine's POV
" Guess what?!"
Nagulat ako ng biglang tumambad sa harapan ko si Alden, pagkabukas ko ng pinto ng kwarto.
Bagong gising pa naman ako. Pero hindi na rin ako nakaimik kahit gusto kong murahin siya kasi ginulat niya talaga ako.
Pero since, hindi pa pala ako nakakamumog e tiningnan ko na lang ito at pinanlakihan ng mata.
" Hey, guess what?!" Ulit niya na sinabayan pa ng isang ngiti. Naks, ang aga naman nitong pam-pagood vibes.
" Hindi ka man lang ba sasagot?" Alden spoked again.
" Excuse me." Mahina kong tugon na pinili ko talagang tumungo at bago ako nagsimulang humakbang patungong kusina.
" Maine, may naisip na akong paraan.." Habol naman nito sakin sa kusina.
Tsk. About na naman pala sa problema niya.
Pero saka ko lang siya sinagot ng makatapos akong mag-toothbrush.
Aba, maghintay siya.
" O ano? Baka naman gusto mo na akong sagutin?" Napataas tuloy kilay ko at may naisip.
Ha? Bakit nanliligaw ka na ba?
Meng, hindi ganon yun. Okay? Tss.
" Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko na lang. Baka kung ano pa maisip ko.
" Simple lang, may naisip na akong paraan para mapirmahan na nila Mommy ang papeles regarding sa mamanahin ko."
Haist. Napaikot tuloy ang tingin ko.
Jusko, pinagpuyatan ba nito ang pag-iisip sa problemang yon?
" Iniisip mo pa rin yon? Pinagpuyatan mo ba yan?" Pambabara ko. Pero kaagad rin akong nagdagdag.
" Ano namang naisip mo?"
Ano nga kaya? Sana naman e yung may sense na.
" Ganito, magpapanggap na lang tayo next month na buntis ka na. Tapos kapag napirmahan na nila Dad ang papers, palalabasin na lang natin na nakunan ka. Diba? Great idea, right?" Huh?
Desperado na talaga 'to. Napailing tuloy ako.
" O bakit? Didn't you like it?"
" Wag kang mag-alala, bukas na bukas kakausapin ko yung Doktor na kakilala ni Rafael." He added.
" Si Rafael? Siya ba yung isa sa mga kaibigan mo?" I asked.
" Yup."
" Sigurado ka ba diyan na makakalusot yon sa Mommy mo?" I asked again.
" Siyempre, pag-plaplanuhan natin yon. Kung ipa-chekup ka man ni Mommy e di ako na lang yung mag-rerefer na dun ka na lang sa kakilala ng friend ko ipa-checkup."
" E papano naman kapag pinalabas na natin na nakunan ako? Papano yun? Anong gagawin natin?" Nalilito kong tanong. Tss.
" Basta. Madali na yon. So ano, ganon na lang ha?"
" Sigurado kabang hindi ka papalpak diyan?"
" Oo naman ako pa." Pagmamayabang naman nito.
" O e pagkatapos mong makuha ang mana mo, anong gagawin mo?"
Iiwanan mo na ako? Huhu
" Aba edi ano pa. Magpapa-annulment na tayo."
Saklap.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
ФанфикFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...