Alden's POV
Pasado alas onse na ng gabi nang matapos ang aming kasiyahan kasama ang mga pinsan ni Maine.
At ayun siyempre hindi nawala ang konting tagayan. Hindi na rin kasi ako nakatanggi sa makukulit na pinsan ni Maine, na hindi uminom.
At dahil umiinom rin naman ako talaga, e why not join them?
Kaya heto medyo tinamaan ng konti.
" Pasensiya ka na ha, medyo maliit lang yung kama ko dito e. Pero tingin ko naman kasya tayo dito. Pero kung ayaw mo nang may katabi, baka pwede naman ako dito sa sahig." Sabi ni Maine pagkapasok namin sa kwarto niya.
" No, no, no. Okay lang. Dito na tayo parehas." I said on a sleepy tone. Medyo inaantok na rin kasi ako kahit na di naman ganoon karami ang nainom ko.
Hindi ko nga alam kung dala pa ba ng alak 'tong inaakto ko ngayon e. Ang bait ko lang kasi e. Ngayon lang yata ako pumayag na magtabi kami. Pero utang na loob, wag niyo nang bigyan ng malisya.
Isa lang naman kasi yung gusto kong mangyare ngayon. Yung this time magkasundo naman kami sa isang bagay. Diba? Para maiba naman. Haha.
" S-sigurado ka ba?" Si Maine naman o, mukhang nanibago rin yata.
" Yup. Ayaw mo ba?" Marahan kong tanong. Aba, minsan lang 'to Maine.
" O s-sige, sabi mo e. Sige matulog na tayo."
Saka ito nagsimulang humiga sa kama at pumikit na.
Ako naman ay may ilang minuto pang nanatiling nakatayo malapit sa kama, pero tanaw ko pa rin ang buo niyang mukha.
Di ko alam pero tila hindi ko yata napigilan ang sarili kong pagmasdan siya habang nakapikit at nagsisimula nang matulog.
And I remembered the first time I did that noong nasa Condo pa kami. At katulad nga non ay nasiyahan akong titigan ang mukha niya habang natutulog.
Gad! Ano ba 'tong ginagawa ko?
It lasted minutes of watching her at hindi ko talaga napigilang lingunin ulit siya nang alisin ko ang tingin ko sa kanya.
Bakit kasi feel na feel kong titigan siya ngayon? Ano bang meron 'tong babae na 'to ngayon?
Di kaya may gayuma yung nainom ko kanina?!Uh, shit. What's happening on me? Mababaliw na tuloy ako kakaisip.
Menggay naman e.
Uy nakiki-Menggay. Bulong ng isip ko.
ARGH! ANO BA! Ayoko na! Ayoko na nga siyang titigan! Ayoko na siyang isipin! Please lang.
Pero laking gulat ko na lang nang bigla itong magmulat ng mga mata. Sakto pa namang nakatitig pa rin ako sa kanya.
Kasasabi ko lang na ayoko nang titigan siya, pero di ko pa rin nagawa e.
Kaya naman dali dali akong nagpatay malisya na kunwari'y hindi siya ang tinitingnan ko. Tsk, mahirap na. Baka kung ano pang isipin niya. Assuming pa naman ang babaeng 'to.
At shit, muntik na 'ko don a!
" Di ka pa matutulog?" Tanong nito sa'ken.
" Ha? Uh e, tutulog na. Nag..aano lang uh, mag-CCR lang." Palusot ko na medyo napalunok pa ako ng bahagya.
" Okay.." Saka ito muling pumikit. Hays buti na lang.
Kaya naman dali-dali narin akong humakbang patungong banyo dito sa loob ng kwarto ni Maine. Mahirap na.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
FanficFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...