Chapter 60: For REAL? (Part 2)

6.4K 202 24
                                    

" Alden.." Di ko makapaniwalang sambit sa pangalan niya.

Nagpapanic na yung puso ko pero siya tila kampante lang na hinihintay ang kasagutan ko sa tanong niya.

Aba't tatanggi pa ba naman ako? E eto nga yung isa sa pinakaaasam asam naming mga babae?

Yung may isang taong mahal mo na mag-propropose ng kasal sa'yo.

At ang isa pa sa mga kina-touched ko ay dito pa mismo sa simbahan nagpropose si Alden.

Kaya naman...

" Maine?"

" Alden, o-oo, yes.. yes.. I-i will marry you Alden for real!" Sagot kong tulo ang kalahat lahatan. Yung iyak ko nag-uumapaw na tapos yung sipon ko tulo na hanggang paa. De joke!



I really just can't believe he'll do this!

Imagine kasi nung una diba? Iisnab isnabin lang ako nito tapos ngayon heto at naglulumuhod para lang mapasagot ako ng yes I will marry you?

Isn't that amazing?

O c'mon! This really made my day! Alden really made my day extra happiness overload!

Shems!

Pagkarinig niya sakin ng mga salitang isinagot ko ay kaagad nitong isinuot ang singsing at saka mabilis na tumayo para yakapin ako ng mahigpit.

"I love you Maine.. I do really love you." Sabi niya habang hinagkan hagkan pa ang buhok ko.

" I love you more, Alden. Alam mo naman yun diba? Nung una palang naman alam mo namang attracted na ako sayo, diba?" I answered kaya bigla siyang kumalas nang yakap sakin at muli akong hinarap.

" Really?" Salubong ang kilay niya nang itanong iyon habang sapo sapo ang magkabilang pisngi ko.

" Oo kaya! Kaya lang .... si L-lauren lang naman yung gusto mo palaging banggitin." Nahihiya kong amin. Kaya kaagad rin siyang napatawa.

" So, noon pa lang nagseselos ka na pala?"

Tss. Ano pa nga ba.

" Hmm. Konti." Saad kong itinaas ko pa ang dalawang daliri ko.

" Konti daw? Well quits lang tayo. Kasi hindi ko talaga mapapatawad si Rafael sa unang paghalik sa noo mo. Di talaga ako basta basta makakapayag non."

Jusko naalala na naman ng bruho? Haha! Ayan tuloy parang isang batang nagmamaktol. Natanggal tuloy ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa pisngi ko.

" Huh? E sa noo lang naman yun ah!" Katwiran ko.

" Kahit na! Because you know what Maine? Every part of your body is mine. Mine only. Gets?" Titig na titig nitong sambit. Jusko ang lolo niyo o ang selfish! Haha.

" Lalo na ito." Turo niya sa bandang dibdib ko na tinutukoy niya ay ang puso ko.

Naks naman talaga e! Napatawa tuloy ako.

" Hindi naman ako umaangal a. Sayong sayo na ako Alden, diba? I'm all yours and you're mine only. Tapos!"

" Yeah, absolutely. Kaya ayokong may poporma pang iba sayo, okay?"

" Jusko, papakasal na nga ako sayo diba? Papaporma pa ba ako sa iba?"

" Good, that's my girl." Saka ako nito hinalikan sa aking noo. Nakaka-ilan na 'to ha?

At pagkatapos niyang gawin iyon ay saka pa ulit kami muling nagkatitigan ni Alden ng matagal, bago niya ako dinampian ng isang mabilis na halik sa labi.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon