I'm Back! HahaMay ilang araw ko ring hindi pinansin si Alden, dahil sa nangyare nung nakaraang gabi. Napahiya kasi talaga ako e. And I really hate him for doing that to me.
Wala pang kung sinong lalaking nagpahiya sa akin ng ganoon. Yung tipong tatawanan pa ang nakakahiya kong reaksiyon. Tss.
Kaya naman di na ako nag-atubiling muling kulitin siya sa kung ano mang dahilan ng pagtatanong niya kung may nagkagusto na ba sakin noon o ano.
Buti na lang, palagi rin siyang umaalis ng bahay kaya hindi na rin masyadong naging challenging ang pangdededma ko sa kanya this past few days.
Pero mukhang sa araw na yata 'to ay mapipilitan na akong kausapin siya. Wala kasi yata siyang balak umalis ngayong araw.
Pero bakit parang mas natuwa pa ako don. Urgh.
Alas diyes na nang umaga pero nandito pa rin siya sa sofa, at nagbababad sa cellphone. Ewan ko ba, this past few days rin palagi ko siyang nakikitang madalas nakatutok lang sa cellphone. Hmm.
Anyway, I don't care. Basta galit ako sa kanya.
Kaya dumiretso na lang ako sa kusina at doon ginugol ang ilang oras..
Umiinom ako ng tubig nang bigla siyang lumitaw sa pinto at saka dumiretso ang tingin sa akin. Muntik na tuloy akong mahulog sa high chair na inuupuan ko.
OMG. Di ako prepared.
" Okay ka lang ba?" Alden asked seriously.
" H-huh?" Nataranta kong sagot.
" Bakit parang di mo yata ako pinapansin nitong mga nakaraang araw?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Hmm. Kasalanan mo yan!
" Galit ka ba? Galit ka ba kasi hindi ko itinuloy yung kiss?" Sabay tawa nito.
Kaya pakiramdam ko'y lalong umakyat ang dugo ko sa ulo. Fak.
" What?! Ang kapal mo ha. Ngayon ko lang nalaman may kakapalan ka rin pala ng mukha." Inirapan ko siya ng bongga.
" Chill. I was just joking. Masyado kang seryoso."
At humakbang siya palapit sa akin.
Kung di lang ako masasayangan sa mukha nito e kumuha na ako ng kutsilyo para sugatan 'to. Badtrip e.
Inirapan ko na lang ulit siya. Ngunit habang palapit ng palapit ang presensiya nito sa akin ay dumodoble naman ang bilis ng pintig ng aking puso.
Urgh! Maine relax. Na-trauma yata ako sa nakaraan. Tss.
" Nga pala. More than a month na tayong magkasama dito. So, ready ka na ba?"
Napakunot ang noo ko sa gitna ng tensiyon sa aking sarili.
Ready for what?
Ready na para maghiwalay? Oo ngayon pa lang. Gusto ko na umalis.
Pero bakit parang kumirot naman ang puso ko sa sinabi kong iyon? Shit!
" R-ready san? For annulment? Sure.. kelan na ba?" Medyo may pagka-bitter kong sagot na binalingan ko pa ang basong iniinuman ko.
At hindi ko na inalam kung anumang naging reaksiyon niya.
" Relax. Badtrip ka ba? That's not what I meant." Maagap nitong sagot.
" Then what?" Nilingon ko siya at di ko mabasa kung anong reaksiyon ang pinakikita niya. Nahahalata ba niya ba ang pagsusuplada ko? Hmm dapat lang.
BINABASA MO ANG
Falling INLOVE with my BAE
ФанфикFixed Marriage. Ito ang naging dahilan para mag-krus ang landas nina Alden at Maine. They never met each other before, pero noong itinakdang pagkasunduin sila ng mga magulang nila ay nagkaroon ng chance para sila'y magkita at magkakilala pa. Si Main...