Chapter 36: Siya Lang

3K 143 11
                                    

" Alden pinapapunta pala tayo ni Mommy sa office niya."

Iwas ang tingin ko nang sabihin ko iyon kay Alden isang umaga. Ito kasi ang araw na natitiyak kong hindi matatanggap ni Alden.



Noong nag-usap kasi kami ni Tita Jack nung isang gabi ay nalaman na niyang lahat maging ang nalalapit na pakikipagdate ni Alden kay Lauren. Nadulas kasi ako kay Tita. At ngayon pa lang ay nakokonsensiya na ako. Feeling ko ako lahat ang masisisi rito ni Alden.



Kaya naman noong malaman iyon ni Tita Jack ay lalo itong nagpuyos sa galit.



And that's the reason kung bakit ipinapatawag kami ni Alden ngayon sa office. Pipirmahan na yung papeles regarding sa mamanahin ni Alden. Well sana nga.... ganoon ang gawin ni Tita Jack pagkatapos malaman ang lahat.




" Bakit daw Maine?"

" Sabi niya ngayon daw pipirmahan yong papeles regarding sa mana mo." Walang reaksiyon kong sagot.



Napansin kong nagliwanag ang titig ni Alden sa'ken. Ngayon pa lang nakokonsensiya na ako. Shit!



" Really?! Sinabi niya yon? Kelan daw?" Biglang naging mas interesado siya.


" Tumawag siya kanina.. this morning daw tayo pumunta." Iwas pa rin ang tingin ko sa kanya.



" Tss. Di ba daw kaya pwedeng mamayang afternoon na lang or dinner time?"
Himala parang nabago ang pagkaexcite niya?


" Bakit? Hindi ka ba excited makuha yon ngayon?"



" Hindi naman sa ganon. Masaya nga ako e. Teka papaanong pipirmahan na niya agad? Wala pa naman tayong nabibigay na confirmation ng pregnancy mo a?" Tss. Paano ko ba sasagutin 'to?



" Hindi ko rin alam, Alden." Sabi ko nalang.



" Finally... but wait... I'll just call Lauren.."



" Bakit?"



" Maine, dapat kasi ngayon yung date namin e. First date, you know. Kaya lang baka magbago pa ang isip ni Mommy kapag hindi tayo sumipot, so uunahin ko na lang muna yon."



Shit! Lalo akong nakonsensiya nito. First date daw nila. Tapos.... Ugh. Kayo na po ang bahala sa'ken Lord. Di ko 'to sinasadya a.



Tulad nga nang sinabi ni Alden ay tinawagan niya si Lauren telling her na hindi muna siya makakapunta sa date nila. Rinig ko pa yung a little dissapointment sa boses niya. At eto nakakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Seriously? Hanggang kelan matatapos 'to? Pwede ko bang utusan ang puso kong maging manhid muna sa ngayon?



Habang biyahe ay tahimik lang ako. Di ko maatim itong gagawin ko kay Alden. Ugh I cannot. Pero dahil mas lamang sakin ang nararamdaman hiya kay Tita ay hindi ko napahindian si Tita Jack.


" Bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago ka this past few days a." Tanong ni Alden mayamaya.


" Uh, wala... may iniisip lang." Tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan para di niya mahalata pa na bothered talaga ako.



" Ano naman?"



" Wala, just dont mind it. Okay lang ako."



" Hey.. di ka ba masaya? Success yung ginawa nating plan."


Napalingon ako sa kanya. Halata ang saya sa reaksiyon niya. Buti pa siya masaya. Buti pa siya masayang magkakahiwalay na kami kung matutuloy ang pagpirma ni Tita. Pero ako.. hindi ko magawang ngumiti man lang. I really hate this part. Tss. Sana nga pirmahan na lang ni Tita ang papeles para makaalis na ako sa lugar na 'to. Para habang maaga pa e makalimutan ko na si Alden.

Falling INLOVE with my BAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon