#IHK46
Weekend at nagpasya nang umuwi na ulit ng bahay si Miala. Tapos na ang two weeks niyang pagvo-volunteer na makarelyebo ni Jane sa pagbabantay kay Tom. Ubos na ubos na rin ang damit na paulit-ulit niyang sinusuot at bare essentials niyang dala kaya ng tumawag ang nanay niya, hindi na siya nakipagtalo na uuwi kailangan niya nang umuwi.
("Nako, Miala ah. Alam kong may sakit 'yang kaibigan niyo, pero 'yung hindi ka na talaga nagpapakita dito, at uutusan mo pa ako ulit na padalan ka ng pera, parang nakakahalata na ako dito ah. Umuwi ka na dito.")
"Haha. Sorry na ma. 'Eto na nga uuwi na. Para 'tong 'di nasanay. Dati nga isang taon ako sa Del Verde pinapadalhan mo lang din ako ng pera madalas ah."
("Umuuwi ka ng weekend noon ah!" Eh 'eto dalawang linggo nandiyan ka lang. Masahol pa sa ibang bansa eh ilang mrt station lang pagitan natin ah.")
"Uuwi na nga po. At saka umuwi naman ako 'nung isang isang araw ah." Ang tinutukoy niya ay 'yung araw na nilabhan niya 'yung damit ni Andres sa bahay nila.
("Dumaan lang. Tapos hindi ka bumalik ulit. Hindi ka man lang dito natulog. Grabeng samahan naman at baka inaalila ka na ni Jane diyan!")
"Ma!" Napatingin si Miala sa paligid. Nagaalala na baka marinig ni Jane eh may pinagdadaanan na nga 'yung tao. "Grabe ka. Wala ka bang friends ma?"
("Ang sinasabi ko lang, umuwi ka na. 'Ni hindi ko nga sigurado kung pumapasok ka pa eh.")
"'Ma, as chineck mo kay Riley 'di ba? Pumapasok po ako. Uuwi na ako. Eto na nga po! Sige na sige na, bye na. Uwi po ako mamayang gabi. Bye"
Pagkababa niya ng telepono niya, humalik lang siya kay Jane at nagpaalam bago niya hinila ang mga gamit palabas ng kwarto ni Tom. Nakaka-ilang hakbang pa lang siya nang magring na naman ang phone niya. Medyo naiinis na siya sa kakulitan ng nanay niya.
"Uwi na nga po ako diyan!"
("Dito sa apartment? Okay lang sa'yo na masikip at maliit lang kama ko at may roommates tayong mga lalaki?")
Bigla siyang nagulat sa boses na narinig. Nilayo niya ulit ang cellphone sa tenga at binasa ang pangalan na nandoon. Puppy emoji lang kasi ang nilagay niya, kumpara sa tiger emoji ng sa nanay niya kaya hindi niya agad nakita.
"Ay, sorry! Akala ko, si mama ulit eh."
("Kamusta?")
Bago sumagot, naalala niya na naman ni Mia kung anong nangyari noong huli silang magkita.
"Okay naman. Haha." She smiled upon the thought na ilang araw na rin pala 'yun. Binigyan siya ni Andres ng oras at hindi ito agad nagparamdam, enough for her not to feel to uncomfortable about it. Oo, may inhibitions pa rin siya, but not enough to really push him away. She tells herself she can manage this.
("May haha talaga?")
"Napatawag ka?"
("Hope it's not a bad time?")
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...