"I missed you..."
"Stop." Umalis siya sa pagkakayakap nito. Pero hindi hinayaan ni Lenard na mawala sa pagkakahawak nito ang kamay niya.
"Stop what?" Ngumiti si Lenard glumly.
"Stop playing around!" Tinanggal niya ang kamay niya in his grisp. "Ano bang ginagawa mo dito?" Her voice shaking.
"I'm not playing around."
"So, anong ngang ginagawa mo dito?!" Pinilit niyang hindi tumaas ang boses dahil baka marinig sila. Baka mahuli sila.
"I don't know."
"Anong I don't know?"
"Honestly hindi ko alam Mia." Tumingin ito sa paligid ng kwarto niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Umiling-iling si Miala. Wala siyang sagot sa mga sinasabi nito.
"Tell me what I have to do, Mia."
"Bakit ako? Wala ka bang sariling utak?" Mia replied almost too coldly na muntik niya na namang pagsisihan. Pero naisip niya rin na bakit palagi na lang siya ang nakakaramdam ng ganito? Bakit ba palaging siya 'yung makokonsensya sa mga nararamdaman niya.
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko?"
"Bakit hindi mo alam?"
"Gusto mo bang hiwalayan ko siya?"
Miala glared at him.
"Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong mo!"
"Because I want to know."
"Dahil ano? Dahil naninigurado ka." And it's not even a question.
"No." Panay ang iling ni Lenard. "That's not what I meant."
"Then what?" Miala prodded. Pero hindi niya alam kung magugustuhan niya ba ang maririnig niya. So she braced herself.
"Miala. Sinasabi ko lang 'yun kasi gusto kong malaman. I wanted to know if you still want me back."
"At makakaapekto sa desisyon mo 'yung sagot ko dahil?"
"Dahil importante sa'kin ang opinyon mo, Mia."
"O importanteng may sasalo sa'yo kung bibitaw ka hinahawakan mo, ganon?"
Napa-atras si Mia. He almost couldn't believed na nasabi 'yun ng babae.
"Mia. No."
"Then what?!"
Hanggang ngayon, they still refused to cut their vagueness. Parehas ayaw banggitin 'yung katotohanan na ang pinaguusapan nila ay kung makikipaghiwalay si Lenard kay Graciella. At kung tatanggapin ba ni Miala ang dating kasintahan.
Kahit si Miala, hindi niya alam kung natatakot ba siyang malaman 'yung katotohanan. Dahil kahit anong sagot, parehas mahirap. Kaya ang tinatanong niya na lang sa sarili niya kung ano ang gusto niya at ano ang nararapat.
Pero minsan, magkaiba ang gusto, sa dapat.
"Alam ko lang, kailangan kita..."
"Pero ano siya—"
Lenard silenced her by his kiss. At sa kasamaang palad, her body betrayed her as she easily responded. So fluent na parang wala silang pinagdadaanan.
Pero agad din naman siyang nagising sa katotohanan.
Na wala pa ring sagot. Wala pa ring linaw.
"No... No..." This time she focused on her remaining self control. And self respect, tinulak niya ito palabas.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...