Chapter 59 - Suprise (November 22, 2018)

15.2K 484 118
                                    

#IHK59

Hindi alam ni Mia kung saan siya magtatago

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi alam ni Mia kung saan siya magtatago. Nakita ba siya ng nanay niya?! Kanina pa ba ito nando'n? Mage-explain ba siya? Madami siyang tanong. Pero wala siyang nasabi. Nanatili lang siyang nakatayo sa kinatatayuan, hinihintay ang nanay niyang sabunutan siya, ilagay sa sako, at itapon sa ilog.

"Nakakahiya ka Miala!"

"M-ma?!"

"Anong nangyari sa damit? Bakit napakadaming chocolate?"

"P-po?" Hindi niya pa maintindihan ang tinutukoy nito.

"Paano ka ba kumain ng cake? Kamay ba ginamit mo? 'Tong batang 'to?"

At saka lang narealize ni Miala na ang tinutukoy ng nanay niya ay ang mga dumi-dumi sa damit niya. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Ngayon niya lang ulit nare-realize that she's still at her mom's mercy.

Mabuti na lang talaga at hindi naman pala talaga nakita ng nanay niya ang nangyari sa tapat. Mukhang kakalabas pa lang nito ng elevator.

"Anong ginagawa mo dito ma?"

"Wala. Masama bang dumalaw dito? Pauwi na nga ako 'oh."

Napatawa siya. Good call na rin pala talaga si Andres na hindi nagpumilit pumanik. Dahil kung nagkatoon, nagkasalubong pa sila sa elevator. Doon talaga siya mapapatapon sa ilog. Kahit kasi sinabi na pwede siyang magpapasok doon basta magpapaalam siya, malalagot talaga siya pag pinapanik niya si Andres.

"Weh ma? Chine-check mo ako 'no? Bakit hindi ka na lang tumawag?" Tinignan niya ang orasan. "Wala pang 10 oh. Good girl ako. Ikaw ah. 'Di mo rin sinabing nagpaalam pala sa'yo si Andres. Sino ba anak mo?"

Hindi makasagot si Mindy bago napangiti.

"Oo na. Chinecheck nga kita. Baka kasi dito kayo dumiretso."

"Alam mo ma, kung gagawin namin 'yun, sa motel kami didiretso hindi dito."

"Miala ah!"

"Hindi nga po kasi. At saka hindi pa kami. At saka ma, dapat hindi mo na lang pinayagan 'yung tao kung malaki pagaalala mo."

"Eh nagpaalam ng maayos 'yung tao. May respeto naman sa'min ng tito Sonny mo. Ah ayun. Birthday naman niya eh. Respect begets respect. Sana lang ganyan siya hanggang huli ah. Baka sa simula lang siya magaling."

"Pero pumunta ka pa rin dito."

"Uuwi na nga. Jusko Miala. Mabuti naabutan kita dito ah. Kung nagkataong ginabi ka talaga, baka tinawagan ko na 'yung Andres na 'yon."

"May number ka?"

"Binigay niya eh."

"Huh?"

"O siya. Sige na aalis na ako. Baka hinahanap na ako ng tito Sonny mo. Bye na."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon