#IHK78
Hindi talaga alam ni Miala kung bakit siya nandoon at kung paano siya nakaalis sa apartment nila at sa harap ng nanay niya. Basta ang alam niya lang nandoon na siya sa harap ng bahay nila Lenard.
Hindi niya rin alam kung saan nanggagaling ang biglang inis niya. Basta bigla na lang naramdaman na kailangan niyang kausapin si Lenard. Pagkatapos bumuhos lahat ng emosyon niya sa pag-uusap nila ng nanay niya, hindi niya mapigilang maramdaman lahat ng mga kaugnay na issue tungkol dito.
That all along, she has just been keeping her angst at bay dahil puro iyak at moping lang ang inatupag niya nitong mga nakaraang araw. Na 'pagkatapos ng unsuccessful pursuit niya, 'hindi na niya maitago 'yung distress na nararamdaman niya.
Halos hindi niya alam kung ngangatngatin niya 'yung kuko niya o sasabunutan ang sarili niya sa sobrang anxiousness na nanggagaling hanggang buto niya. Kaya nang lumabas si Lenard, halos salubungin niya ito at magkabungguan sila.
"Mia!"
""Did you ever say anything to Angeli?" Agad niyang tanong. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
"H-ha?" Gulat si Lenard sa salubong niyang tanong."
"Just answer me."
"W-what?" Hindi pa rinn ma-proseso ng lalaki ang mga sinasabi ni Mia dahil sa kabiglaan. "Pumasok muna tayo."
"Hindi nga ako papasok!" Halos sumigaw si Miala pero pinigilan nito ang sarili na tuluyang mag-hurumentado. Kanina pa kasi nakababad ang tanong na ito sa utak niya kaya para na lang siyang bombang sasabog.
"Okay! Okay!" Itinaas pa ni Lenard ang kamay niya as if surrendering.
"So ano nga?! Did you tell that bitch about my miscarriage?!" Miala said with uncoordinated pauses.
Napatigil muli si Lenard bago napatango.
"A-ano?" Hindi makapaniwalang sagot ni Miala kahit na alam niya naman na ito lang talaga ang paraan para malaman ng nanay niya ang lahat. She was so sure earlier. Pero iba pa rin pala kapag narinig mo na mismo sa bibig mismo ng kausap mo.
"I'm sorry, Mia."
Agad itong humingi ng tawad dahil naintindihan naman ni Lenard ang lahat. Dahil ang totoo, he has already deduced what has transpired. Ano pa nga bang nangyari kung bakit nalaman ng nanay ni Miala ang lahat kahit wala pa sa kanila ang unang umaamin?
Siya na naman ang may kasalanan. Kahit sa kahuli-hulihang sandali, wala pa rin talagang itatama ang ginagawa niya.
"Eh ang galing mo rin pala eh." Miala said tearfully. Magkahalong galit at lungkot sa mga mata nito. She was just too helpless, at alam ni Lenard 'yon.
"It was out of my anger—"
"Well thanks to your anger, nasira na relasyon ng magulang natin. 'Yun na nga lang tanging natitirang magandang koneksyon sa pagitan natin, wala na."
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...