Chapter 27 – Boyfriend
Natatawa na lang siya sa mga nangyari. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang araw niya. It was like a roller coaster of emotions. Sobrang galit hanggang sobrang bangag.
"First kiss mo ako?" Naalala nyang tinatanong niya kay Andres matapos siyang lumapit sa banda nito at makipagkilala at inuman sa mga ito.
Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng ganung confidence na nagpatahimik ng saglit sa lalaki bago siya pinagsalitaan na naman ng masama.
"Like it will help save cancer or what?"
"Grabe ka naman. Sobrang sarcastic mo!"
"Ganyan talaga 'yan." Sabi ni Jude, na vocalist ng banda na nagsalita rin kanina. Judas kung tawagin ito ni Andres.
Pinakilala din siya nito sa iba pang ka-banda na sila Amiel na lead guitar, si Sandro na keyboard, at ang lalaking-lalaking bassist na ang nickname ay Caroline. Carolin daw ang totoo nitong pangalan.
"I'm not always sarcastic, sometimes I'm sleeping."
"Haha!" Sobrang benta talaga ng lalaking ito sa kanya. He's not the funny type na mamatay ka sa mga jokes. Ibang klaseng humor ang naidudulot ng pagkasarcastic na may halong naivety nito.
Buong gabi siyang uminom kasama ang mga ito na alalay naman sa kanya. First time niyang makipaginuman sa lahat lalaki na bagong kakilala niya lang.
Late na tuloy siya nakabalik sa bahay nila. Sobrang haba ng araw niya na kahit wala pang isang araw, parang ang tagal nang nangyari ng commotion sa bahay nila Laarni.
Pilit tuloy niyang tinataboy sa utak niya nang maalalang sumagot siya ng malakas na Oo noong tinanong siya ni Lenard kung miss na siya nito.
"Stupid! Stupid! Nakakagalit na lalaki! Kapal ng mukha niya!"
Dahan-dahang pumasok si Miala sa bahay nila, while testing her breath kung amoy alak siya.
Naghahanda na siya ng sandamakmak na excuses at ineexpect na maabutan niya ang nanay niyang may hawak na pamalo at nagaabang sa kanya sa sala.
"Uhm... Ma!" Mahinang sabi niya ng makapasok sa bahay. Madilim pa kasi. Hindi niya alam kung matatakot ba siya habang iniisip na bigla na lang siyang papaluin ng nanay niya out of nowhere.
"Ma!"
Pero nakailang sigaw na siya. Wala pa ang nanay niya.
Mukhang nauna pa siyang makarating sa bahay kahit na kung tutuusin eh madaling araw na.
She checked her mom's room, and she confirms na wala pa nga ito. Nagtataka man, lihim siyang nagpasalamat habang nagpapalit ng pabahay na wala pa ang nanay nita at nauna siya dito. At least hindi na niya kailangang magimbento ng excuse na alam niyang hindi naman nito papaniwalaan.
Maya-maya, nagaalalng bumaba siya sa sala para antayin ito. She's dialing her mom's digits on her phone nang may makita siyang magandang sasakyan na pumarada sa harap niya. Tinted ang sasakyan na ito kaya hindi niya makita kung sino ang tao sa loob.
Pero maya-maya, dahan-dahang bumababa ang nanay niya while waving goodbye. This caused a crease on her forehead.
Pagpasok ng nanay niya sa kanila, ito pa ang nagulat. Parang nagkabaliktad ang sitwasyon. Ang nanay niya ang mukhang jumpy na naghahanap ng paliwanag sa kanya.
Sino ba talaga ang anak at magulang dito?
"Ano 'yon ma?" Turo niya sa sasakyan na nagmamaneobra pa rin sa labas. "Sino 'yun? Kaninong sasakyan 'yun."
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...