After the embarrassing scene, halos hindi muna lumabas ng CR si Miala.
"What did I just do? Am I crazy?" Sabi niya sa reflection niya sa salamin. Kitang-kita niya ang halos naubos na niyang make-up. Ano bang naisipan niya at ngayon lang siya nag CR. Hindi lang talaga kasi siya nakaramdam ng pagka-ihi. Inabot pa siya ng kahihiyan bago niya pa naisipang magpunta ng banyo.
Napansin niya rin ang smudge ng lipstick niya sa kanang corner ng labi. Gusto niyang magsisigaw pero nagaalala siya na baka marinig ng mga tao sa labas.
"Baka akalain niya ganun talaga ako ha! Na nanghahalik ako ng lalaking hindi ko pa ganun kilala." She remembers his first meet cute with Lenard. At hindi niya alam bakit pumasok pa sa isip niya na mag-alala sa sasabihin nito gayung kaya niya nga ginawa ang bagay na 'yun dahil sa inis dito.
Finally, inayos niya na lang ang sarili. Nag retouch ng make up, habang tinatawagan ang bestfriend niya.
("Boks!") Sumagot naman ito wala pang ilang Segundo. ("Okay na phone mo?")
"Ah." Ngayon lang tuloy ulit naalala ni Miala na bagong bili nga pala ang telepono niya. In a normal situation, kung wala lang lahat ng stressful at nakakapressure na nangyari ngayong araw, baka hindi na naalis ang mga mata niya sa pagkalikot ng phone.
But it's not the day's case.
"Ano kasi. Boks. Pa-book naman ako ng grab oh. Kanina pa kasi ako nagbu-book pero wala eh. Mukhang mahirap magbook ngayong gabi dito sa Antipolo."
("Ah sure. Tignan ko kung may difference kung ako magbook ah. Kamusta naman diyan?")
Bumuntong-hininga si Miala. Hindi niya alam kung paano niya sisimulang sabihin ang lahat.
"O-okay naman." She decides na sasabihin niya na lang dito ang lahat kapag nagkita na sila. Ayaw niya namang i-occupy ang guests' CR para sa pakikipagtelebabad dito. Nakakahiya dahil hindi naman talaga ito event place at bahay nila Tom.
Kaya pagtapos niyang magpaalam at binilin ang address ng bahay nila Tom para sa pagbubook ng Grab, lumabas na rin si Miala.
The after party is already starting.
Naabutan ni Miala that the groom is suddenly dancing to the beat of sexy rock music na parang sineseduce ang bride. The party is on. Nagwawala na ang lahat. Ang lakas din pala talaga ng epekto ng live band.
Laking gulat lang ni Miala nang makita niya ang tumutugtog. Si Andres ang drummer!
"Wow. Iba."
Sinubukan niyang kunin ang mga mata nito, but as soon as he looks at her, babawiin agad ni Andres ang tingin. Then he became more intense in his drums.
"Hala, siya. Is he okay? Siya pa ba nahiya sa'ming dalawa?"
The guests then start to leave. Tapos na rin ang program at nagsasaya at nagiinuman na lang ang mga tao. Puwera na lang sa gusto pang magenjoy sa live band katulad ng kapatid ni Jane na all eyes kay Andres. Kitang-kita ang paghanga ni Jewel sa drummer.
Tinext niya si Riley.
| Ano boks, wala pa rin? |
Nagreply naman agad ito na wala din talaga itong makuhang sasakyan sa Antipolo.
|Pero wait ka lang diyan boks. Gagawa ako ng paraan.|
|Thanks, boks. Love yah.|
Walang nagawa si Miala. Pumunta na lang siya sa mobile bar at umupo sa bakanteng lamesa sa harap nito. She can only drink lalo na biglang pumatak na ang ulan. Narinig niyang nagpapasalamat ang mga magulang ni Tom na papasok sa loob ng bahay na natapos na kahit papaano ang lahat bago bumuhos ang nagbabadyang ulan. Tumigil na rin ang bandang tumutugtog na nagpakilalang Fire Switch.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...