"Paanong nahuli nga?"Pangungulit ni Riley nang hindi siya makapagsalita. "Paanong akto?" Mabilis na naglalakad si Miala palabas ng motel kaya mas mabilis ang hakbang ni Riley.
"Huy!"
"Tara pumara na tayo ng taxi. Anong oras na 'oh. Baka hinahanap na ako ng nanay ko. Tara bilis."
"Dumito ka muna at umaambon." Pinigilan niya itong tumayong lumabas ng motel pero makulit si Miala. Naglakad pa rin sa gitna ng kalye at nagpumilit pa rin na parahin ang paparating na taxi. Hinubad na lang ni Riley ang jacket niya para ipang-talukbong sa kanila.
Nagpasalamat na lang si Miala dahil walang pasahero ang pinarang taxi at agad sumakay.
At hindi na nagtanong pa ulit si Riley.
Kaya alam ni Miala kung ano ang iniisip nito. Dahil nadulas na rin siya, alam niyang 'yung bagay na hindi niya sinasabi kay Riley ang iniisip nito. It's exactly what he's thinking about. Especially after sa kanyang i-reveal ni Franchette na nagpunta pa talaga ito sa Verde para lang magtanong.
Pero wala talaga siyang balak na sabihin ngayon. At wala naman talaga siyang balak sabihin kahit kanino ang mga turning point ng lusak ng buhay niya. Kahit ang alam ni Jane, nasabi niya lang dahil sa isang sitwasyon na kinailangan niya talaga ang tulong nito. Lahat din ng revelations na alam ni Franchette ay dahil naabutan siya nitong nagbe-breakdown sa university.
Nakonsensya talaga siya na hindi niya masabi kay Riley. Lalo na ngayon na binibigyan siya nito ng nakakaka-guilty na itsura.
"I'm sorry..." Tanging nasabi niya nang makarating siya sa kanila. Niyakap niya na lang si Riley ng sobrang higpit.
"What are you saying sorry for?" Ginulo na lang nito ang buhok niya at naglakad na palayo.
"Uy, 'di ka ba papasok?"
"'Di na. Matulog ka na ulit!"
Hindi na pinigilan si Riley kahit na ang totoo, lalo siyang na-konsensya.
Halos maliwanag na rin kasi nang makarating sila at ang totoo, pagod na pagod na siya. Naiyak na lang na si Miala pagpasok ng bahay dahil hindi niya talaga maiwasang ma-move dahil may mga selfless na tao na katulad ni Riley na kaya siyang puntahan sa Antipolo kahit bumabagyo.
Pinunasan niya ang luha niya papunta sa kwarto at hindi niya na rin gigisingin ang nanay niya. Nilagay niya na lang ang sapatos sa labas ng kwarto para kung sakaling magising man ito, alam na nitong nakauwi na siya.
Halos ibagsak niya na lang ang katawan sa kama with the intention of sleeping pero hindi niya talaga maalis sa utak niya lahat ng nararamdaman niya. Simula sa unang pagkikita nila ni Lenard sa garden ng hotel-resort. Kahit na ang totoo, sa bachelorette party (na sinira niya) sila unang nagkita, dito pa rin unang napagmasdan ni Miala si Lenard. She saw how he looked so good which proved how he has seem to be living a good life. Sobrang unfair ng life.
Iniwas-iwasan niya ito simula sa simbahan hanggang sa reception. Kahit bumagyo na parang sinasabi ng panahon na pinagtatagpo na talaga sila. Umiwas pa rin siya.
Alam naman ni Miala na inevitable na mag-haharap at mag-haharap din sila. Pero hindi niya talaga kaya. Lumaklak pa siya ng isang boteng wine para lang makatakas sa lahat ng hinaharap sa kanyang problema sa gabing 'yun hindi niya man lang naisip na 'nung huling uminom siya ng ganoon kabilis, kung ano-ano daw ang sinabi niya na hindi niya matandaan.
But despite all of these Lenard shiz, may mas malaki siyang concern kay Riley. Si Riley ang dahilan kung bakit nakauwi siya ng ligtas. Ang bestfriend niya ang dahilan kung bakit naiwasan niya si Lenard na katulad nung nagbabagyang bago, nakalapit pa rin sa kanya. Kahit na sobrang layo ng Antipolo sa Maynila, nakarating pa rin si Riley.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...