Nakasakay ng taxi si Lenard at lola Roxy papuntang Manila.
Nahirapan talaga silang mag-book ng Grab dahil walang pumapayag na maghatid from lola's house in Centro. Mabuti na lang at may taxi na galling Maynila na may hinatid na malapit lang sa kanila. Of course, he wouldn't allow his beloved lola to take the bus and commute.
Nang makarating sila sa arko ng village nila, a familiar feeling envelopes Lenard. Nagbabalik lahat ng memory niya sa lugar na ito. Mga magaganda at hindi makakalimutan, pati na rin ang mga masasama. All he can do is embrace all of them.
Kailangan niya itong harapin sa pagbabalik niya.
Nang marating na nila ang address, hinawakan ni lola Roxy ang kamay niya as the curb on a corner.
"Ready ka na?"
"I hope dad's ready to take me back."
Ibinaba sila sa harap ng gate ng isang bahay.
Dito na nanibago si Lenard. Ang pagkakaalam niya lang kasi ay binenta na ng dad niya ang lumang property nila. 'Yung bahay nila noon ng nanay ni Lenard. At bumili ng panibago. He thought, mas maliit na bahay na lang ang makikita niya dahil sila na lang naman ang titira plus lola Roxy. But he was wrong, dobleng laki ng bahay nila ngayon ang nakikita niya.
"Okay. Okay. Maasahan talaga ang tatay mo 'no. How did he become successful like this."
Lenard shrugs. For all he know, baka dito na lang binuhos ng dad niya ang lahat ng pagmamahal na hindi nito binigay sa nanay niya.
Pagkapasok, hindi maiwasang ikumpara ni Lenard ang lugar. Kung dati ay dalawang kwarto lang ang meron. Isang master's bedroom sa tatay niya at isang kwarto para sa kanya. Isa lang din ang guest room kung saan dating natutulog ang nanay before all the hell things happened bago ito lumagi sa Verde.
Sobrang linis ng bahay. Alam niyang hindi nagha-hire ng katulong ang tatay niya at may ocassional weekend cleaner lang ng mga carpet at mga bagay na hindi nito kayang linisin. Despite that, sariling sikap ni Sonny ang lahat.
"Dad." Bati niya nang makitang bumababa ito sa marble staircase na nasa kanan. Nagkayakap sila ng saglit at pinuna niya ang kalakihan ng bahay to whisk off the awkwardness.
"Sobrang laki nito pa, ah. Parang magaampon ka pa ng isang pamilya." He joked.
"Ah. Uhm." For a while Sonny rattled but that was only for a moment until he displays an authoritative face. Ganitong klaseng mukha ang nagbigay kay Lenard ng maling impression all this years. And he was sorry. "Siyempre, we can't let your lola sleep in the guest room."
Lenard feels something's off pero hinayaan niya na lang din dahil busy ang lola niya sa pagkuha ng selfie. Hindi nagpahuli sa panahon at nakunanan niya na ng groufie silang tatlong at pinost sa sarili nitong facebook within seconds.
Natawa na lang din siya sa hippie niyang lola na nagawa pang i-tag siya with matching caption and location.
Maya-maya, nadistract din si Lenard dahil may nagmessage sa kanya sa fb.
Si Laarni. Thinking back, isa si Laarni sa circle of friends na naiwan niya dito sa Manila pero nag-aral ng fashion merchandising sa ibang bansa sa huling balita ni Lenard. Isa ito sa mga insensitive at spoiled brat ng grupo kaya madalas topic ng conversation sa group chat kapag niyayabang nito ang mga mahal nitong gamit at iba pang pagpapapansin sa social media. Palibhasa ay hindi original na mayaman. Isa lang itong nouveau riche nang yumaman sa multilevel marketing ang mga magulang.
Nangangamusta ito at nakita daw nito ang location ng naka tag kay Lenard na nagbalik na ito ng Manila. Kinakamusta nito si Miala. Binura na lang ni Lenard ang message. Alam naman niyang alam ni Laarni ang issue sa kanila. Of course, not the real deal, pero alam ni Lenard na halos lahat naman sa barkada, alam na wala na sila. Nagpapapansin lang ito. So, he won't fulfill her wish. Hindi niya na ito papatulan.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...