Sobrang daming tanong ni Riley.
Halos hindi niya na maintindihan lahat ng sinasabi nito. Para siyang nahihilo na bawat salita, nawalan na ng ibig sabihin. Dumadaan na lang lahat sa tenga niya at lumalabas na parang ibang lenguwahe.
"Miala. Please. Ano bang nangyayari?!"
"Boks. Please lang din. Hindi ko na rin maintindihan 'yung nangyayari at 'yung sarili ko. Pwede bang bago mo i-satisfy 'yung curiosity mo, hayaan mo rin muna akong magkaro'n ng katahimikan?"
Natahimik si Riley at medyo na-guilty. Totoo namang curious siya at umaatake na naman ang masamang pakiramdam niya na naturingan siyang bestfriend, mukhang siya pa yata ang mahuhuling makakarinig ng lahat.
"Ni hindi man lang ako matahimik kahit sa bahay namin, tapos pati dito?"
"I'm sorry."
Dito rin parang nakonsensya si Miala na pati si Riley napagtataasan niya na ng boses. Minsan lang talaga, hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang isang tanong. Lalo pa 'yung ganun kadami.
"Sorry din." Humawak na siya sa braso nito at naglakad sila papuntang klase.
"Ikaw talaga." Tinanggal ni Riley 'yung kamay niya at umakbay ito sa kanya. "Basta, dun sa okay ka, dun ako."
"Alam ko naman."
"Basta, dito lang ako."
At alam naman talaga 'yun ni Mia.
At habang tahimik silang nagse-settle papunta sa kani-kanilang classroom, dito lang naisip ni Mia na baka kaya talagang iritable siya dahil ayaw niyang umabot ang mga tanong ni Riley sa mga bagay na nangyari sa kanila kagabi ni Lenard.
Na mapapahiya na naman siya kapag nalaman nitong ibinaba niya na naman ang sarili niya ng ganun. Isang iyak lang. Isang paliwanag lang, binigay niya na naman sarili niya.
Sino ba kasing nagsabi sa kanyang pumayag na maging ganon na naman ka-intimate sa lalaking 'yun?
Gusto niyang isumpa ang sarili niya.
Hindi halos makapagfocus si Miala sa school. Ang daming pumapasok sa utak niya. Tom's condition, her secret with her mom, si Lenard, mga nangyari sa kanila ni Lenard, mga sinasabi sa kanya ni Lenard, mga hindi pa sinasabi ni Lenard.
And she's quite sure that half of her problems are related to this guy.
Naiinis siya na puro na lang si Lenard.
Wala na bang ibang gagawin ang utak niya kundi isipin 'yung taong 'yun? Alam niyang mali, but she always finds the end of her train of thought back to him.
She knows wala siyang mapapagsabihan ng lahat. Ayaw niyang abalahin ngayon si Jane dahil she has her own fair share of problems. Si Riley naman, kahit pa sinabi nitong makikinig ito, alam niyang bubukas pa lang ang bibig niya para sabihin ang unang letra ng pangalan ng ex niya, sobrang bias nito sa pagpapapatalsik ng lalaking ito sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...