Namimili si Miala at Riley nang puwedeng iregalo sa bride and groom. Pero nakakailang-ikot na sila sa mall, wala pa rin silang makita.
Pinagmamasdan ni Riley si Miala na hindi talaga maka-decide simula sa rice cooker, glasses, at kung ano-ano pang gamit pambahay.
"Kung ikaw ba ikakasal, ano gusto mo?"
Nagulat naman si Riley na parang hindi regalo ang naisip noong tinanong ng bestfriend kung anong gusto niya. Mapapangasawa ang naisip niya kaya bigla siyang nahiya.
"Huy!"
"H-ha?"
"Ano ba 'yan. Tinatanong kita kung ikaw 'yung tayo ikakasal, gugustuhin mob a maregaluhan ng sangkaterbang rice cooker o baso, o thermos?"
Alam ni Riley na nang sinabi ni Miala na "tayo" she meant it separately. Pero iba 'yung naisip niya. Nahiya siya sa mga naiisip niya. He sneezed.
"Ano ba 'yan. Hindi naman makausap 'to." Naglakad na lang ulit si Miala at pinagpatuloy ang pagtingin sa mga gamit, kahit na sa tingin ni Riley nadaanan na nilang lahat ito for at least 2 times kanina.
Riley isn't sure kung mapili lang talaga si Miala, o sadyang wala lang ito sa sarili simula noong nangyari noong isang araw.
Simula kasi nang tawagan siya ni Jane para iuwi si Miala, he knows something's up. Kahit hindi pa sinabi ni Jane sa kanya kung anong nangyari, bago niya gisingin ang natutulog na si Miala, narinig niya naman sa mga bulong-bulungan ng mga ibang babae na nandoon sa bachelorette party ang biglaang pagdating daw ng ex nito.
Nang magising si Miala hanggang sa pagdala niya dito sa bahay nito, wala silang salitaan. Even up to now, hindi na ulit nago-open si Miala pero alam niyang may dinadala ito. Ayaw niya namang magtanong dahil baka magbago ang mood nito.
"Kung ikaw ba, ikakasal Mia, anong gusto mong matanggap?" Bawi na lang niya na tanong. Gusto niyang ientertain na lang ang pagiikot nito. Sa isip-isip niya, sasamahan niya na lang si Miala kahit ilang bese nito gustong maglibot. Kung ikalilibang ba nito eh.
"Ako? Ikakasal? Ewan. 'Di ko maisip. Wala nga akong jowa eh." Tuloy-tuloy pa rin si Miala sa paglalakad.
"Kung nga lang eh. If ever lang. Halimbawa kasal mo na bukas. Ano gusto mo matanggap galing sa'kin?"
"Uhmmm." Napatigil si Miala para mag-isip. "Pera!"
"Walangya! Mukhang pera ka talaga boks."
"Tignan mo ija-judge mo ako. Tatanong-tanong ka diyan." Miala pretends to be hurt. "Siyempre sobrang daming gastos ng kasal, eh 'di pulubi na ako after. Kaya pera na lang gusto ko para makapagreplenish man lang 'no."
"Biro lang. Ang point ko lang, eh 'di pera na lang din ibigay mo kila Jane."
"Pwede ba 'yun?"
"Oo naman 'no. Hindi ka pa ba naka-attend ng ibang kasal. Uso na 'yun ngayon."
Kitang-kita ni Riley 'yung pagbabago sa mga ngiti ni Miala. Mukhang nagustuhan nga nito ang idea niya.
"Okay, let's go!" Yaya nito palabas ng department store.
"Saan naman tayo pupunta?" Sabi kunwari ni Riley pero hindi naman talaga siya nagrereklamo.
"Bibilhan ko na lang ng bagong leash si Misha. Tara!" Halos hilahin na lang ni Miala si Riley papunta ng pet store.
Pero may ibang plano si Riley.
"Leash na naman! Naka-ilang leash na si Misha, hindi mo naman nagagamit lahat." Hinila niya si Miala sa ibang direksyon.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...