Chapter 41 - Minor Inconvenience (September 22, 2018)

146K 2.7K 809
                                    

Hindi na rin pinatagal pa ni Miala ang paghihintay ni lola Roxy sa labas. Agad niya rin namang binuksan ang pinto para makapasok ito sa loob.

"Mia..."

"Lola." Gusto niyang magsumbong. Pero gusto niya ring pabulaan lahat ng iniisip nito dahil may halong inis na rin naman siya ngayon. She's not that hopya anymore.

"Alam ko..." May galit sa mga mukha ni lola.

"Hay lola, wala kang alam."

"Jusko, Miala. Alam ko lahat. I even know that now, you're back together. Together, I wanna show you, my heart is oh so true."

Hindi alam ni Mia kung matatawa ba siya o maiiyak. Kumanta ba naman ito ng Especially For You out of the blue?!

"Lola naman eh."

"Ayan at least, nakatawa ka na." Hinawakan nito ang baba niya. "Ngiti lang kasi. Because you're back together."

"Lola. Anong back together? Nakita niyo ba 'yung sa baba?!"

Malakas masyado ang boses ni Mia na tinulak siya ni lola Roxy pabalik sa loob ng kwarto.

"Huwag mong intindihin 'yung sa baba. Kasi alam ko. I can feel it in my brittle bones. Sa pagtagal-tagal niyong nagkakasama sa isang lugar. Dati, you can't really stand each other, pero these days, nag-iba. Ramdam na ramdam ko. Ang linaw linaw ng gut feel ko Miala. Alam kong binigyan mo siya ng chance. Kaya nga hindi ko alam ang ginagawa ng Graciella na 'yan diyan sa baba eh. Jusko, kakalbuhin yang bulbol ni Lenard."

"OH MY GOD LOLA!" Parang aatakihin si Miala sa pagkatabil ng bibig ni Lola Roxy.

"Sige aminin mo nga sa'kin. Magsabi ka ng totoo. Hindi ba medyo okay na kayo.

"Hindi makasagot si Miala."

"Oh 'di ba?!" Nanlalaki ang mata ni Lola Roxy.

"Lola, ayoko na..."

"Huwag kang mag chicken out. Chicken ka ba? Pero sabagay, kapag kinalbo ko talaga 'yang bulbol ni Lenard, kahit phoenix pa siya, inferior pa rin ang featherless phoenix kesa sa chicken."

"Lola, tama na 'yang kaka-ano mo!" Halos hindi mabanggit ni Miala ang mga salitang sinisigaw lang ni lola.

"Bakit hindi mo pa ba nakita 'yun?"

"LOLA!"

"Hay nako, apo. Lumaban ka. Lumaban tayo. Dapat kayo ang magkatuluyan."

"Lola, bakit ka ba invested sa'min? Hindi na nga pwede oh. Hindi na talaga pwede. Paano na sila mama. Si tito Sonny?"

"Hindi naman daw sila magpapakasal eh. Nagresearch ako. Walang kaso."

"Lola. Hindi 'yun 'yung problema. Si Lenard ang problema. I really hate him. And I also hate myself."

"Huwag kang ganyan. May mga paraan pa."

Umiling si Miala.

"Lola, gusto ko na lang mamuhay ng simple lang. 'Yung wala ng drama. Ayoko na sa mga hilahang ganito."

"Nasasabi mo lang 'yan dahil nandiyan 'yung babae sa baba."

Napatahimik si Miala. Ngayong tumigil na siya sa pag-iyak, she can finally see reason.

"Lola Roxy. Unfair doon kay Gracy. Alam kong dapat akong matuwa sa'yo dahil kampi ka sa'kin. At love mo ako. Dahil love na love din naman kita eh. Ang kaso, wala namang ginagawang masama 'yung tao. Dapat lola, hindi mo siya tinatawag na babae."

Natahimik si lola.

"Ikaw kasi talaga ang gusto ko."

"Bakit nga po?"

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon