Maagang-maaga pa lang, bumyahe na si Riley papuntang Verde to meet with someone. It's Franchette. Isa ito si Franchette parte ng small clique nila sa College of Veterinary Medicine sa Del Verde University noong nagaarap pa sila ni Miala dito. Isang taon nilang tinapos ang 40 units ng Pre-Veterinary Medicine bago sila pinayagang magtransfer sa university kung saan sila nagaaral ngayon.
6am na siya nakarating at wala pa rin si Franchette sa coffee shop kung saan sila magkikita at kakain kaya nilibot muna ni Riley ang mata sa buong paligid. It has been 3 years. Noong nagaaral sila doon, wala pa ang coffee shop na ito at isang simpleng tapsilogan ang naka tayo sa kantong ito ng entrance ng university. Ang laki na rin ng pinagbago simula ng magtransfer sila. 3 years na rin pala. At 4thyear na silang lahat sa pasukan. Mabuti na lang at malapit lang ang bahay ni Franchette dito sa Del Verde campus kaya madali lang din itong sumagot kahapon nang biglaan niyang inaya.
Umorder na si Riley ng kape niya habang naghihintay. Marami pa ring estudyante ang nagaaral sa may gilid na obvious na nagsa-summer classes. Iba pa rin pala ang study habits at competition ng mga estudyante sa Verde. Naalala tuloy niya ang mga panahong nag-aaral sila ni Miala sa convenience store ng gabi dahil ayaw nilang makatulog sila sa antok habang siya ay umiinom ng matapang na kape, habang si Miala eh malakas na mga energy drink ang tinitira. Naalala niya parang Sting pa 'yata ang binibili nito noon.
"May sting pa kaya ngayon? Parang wala na yata. Wala na siguro..." Di niya napiligilang magmonologue.
"Sinong wala na?"
May nagsalita sa likod niya.
"Uy Franchette!"
Nagbeso sila. Dumating na pala ang babae. He pronounced Franchette literally. Alam niyang Fran-shey ang tamang pagbigkas dito pero inaasar niya palagi dati si Franchette na Fran-che-te, hanggang nasanay na lang ang babae. Minsan nga, te lang ang itawag dito, lilingon na ito eh.
"Orderan mo na ako ng pasta. 'Yung pesto 'yung gusto ko ah. 'Tska extra garlic bread. Order ka na rin ng carrot cake 'tsaka Cinnamon Toast Crunch Frappuccino 'yung kape ko ah. 'Yun muna next time na 'yung next." Sabi ni Franchette habang umuupo at inaayos ang bag at ang buhok na basa. Halatang kakaligo lang nito.
"Wow ah." Gulat na gulat si Riley sa dami ng order ni Franchette. "Parang naka-ready ka na ng order mo bago ka pa lang makadating dito. Nasaan na 'yung Franchette na kapag tinanong dati kung saan kakain, ang sasabihin kahit saan at kahit ano?"
"Siyempre naman. Nasa tricycle pa lang ako natatakam na ako 'no. 'Tsaka alam kong may kailangan ka sa'kin kaya ka nandito kaya hindi na ako mahihiya."
Riley can't help but chuckle. Ganoon ba siya ka-obvious? 'Ni hindi man sila nagkamustahan at nakapag-catch up. Alam na alam ni Franchette kung ano ang balak niya.
"Oh, wag ka nang ngumiti-ngiti diyan. Order na!"
Binilang ni Riley ang laman ng wallet niya bago umorder. Kahit naman madaming allowance ang nanggagaling sa magulang niya, kailangan niya pa ring magtipid lalo na ngayong bakasyon. Kaya hindi niya alam kung bakit siya nasa Verde ngayon na 4 hours away from Manila at nanlilibre na parang wala nang bukas.
Umorder na rin siya ng Ravioli para sa sarili niya bago umupo pabalik kay Franchette na ngayon ay nagki-kilay.
"Kilay is life talaga kayong mga babae 'no?"
"'Wala kang pake." Itinuloy ni Franchette ang pagkikilay. Inabot ito ng halos sampung minute bago hinarap si Riley na nakatitig lang.
Sa isip-isip ni Riley, hindi naman lahat ng babae nagkikilay. He has nothing against women doing their make up. Nasanay lang siya na walang kapaki-pakialam si Miala sa mukha kaya hindi niya minsan matukso ito ng sinabi niya kay Franchette. Minsan niya lang itong nakitang nakapustura. Isa noong 50thbirthday ng daddy niya, at tatlong beses sa school activities.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...