Chapter 54 - Everybody leaves (November 10, 2018)

16.3K 501 98
                                    

#IHK54

Miala knows that her tears didn't come from anything other than guilt

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Miala knows that her tears didn't come from anything other than guilt. Dahil totoo naman na tinuturing niyang matalik na kaibigan si Riley. Dahil bukod dito, sino pa ba ang kasa-kasama niya starting from the moment she stepped on that foreign place alone? Bukod kay Franchette na naging malapit din sa kanya, si Riley naman talaga 'yung kaagapay niya eh.

It was Riley who allowed her to live a normal happy life despite all the past mistakes she made. Kung tutuusin, parang world of escape niya 'yung Verde eh. Wala naman sila kasing masyadong memorya doon ni Lenard sa lugar na 'yun bukod sa bahay ng nanay nito, na medyo malayo rin naman sa campus, at sa Yellow River Bridge na ayaw niya na ring balikan.

Dati, ang buong campus ay kanyang-kanya. Si Riley lang ang kasangga niya sa kahit anong bagong pinagdadaanan nila at aaminin niya, life was easier with him around. Para siyang normal na estudyante lang na hindi nadungisan ng nangyari sa nakaraan. Kaya noong nalaman niya na magkaibigan din pala ang mga magulang nila noong high school, it felt like fate.

Parang kuya. Tagapagtanggol niya sa mga bullies. Bumabakod kapag may mga umaaligid sa kanya na ayaw niya rin namang i-entertain dahil hindi naman talaga siya handa sa mga bagong tao lalo na bagong lalaki noon.

Para sa kanya naman, ito na 'yung pinakamatalik na kaibigan niya. She didn't realize how it's different from the way she has treated Angeli and Lenard as her bestfriends before. Dahil sa facade na pinakita niya para sa sarili niya, hindi niya niya na realize na ang pinapakita niya rin kay Riley ay hindi siya, kundi 'yung taong gusto niyang maging siya.

She became really confused on who she really is, and she who she wanted to be.

Nakalimutan niya na hindi na pala pagiging matalik na kaibigan ang naituring niya kay Riley all these years. And she's very much guilty because of it.

"P-pasensya ka na Ry. Kung may mga tinago ako sa'yo. Hindi ko naman ginusto 'yun. Ayaw kong magsinungaling sa'yo kaya may mga bagay na hindi ko na lang sinabi."

"Minsan, Mia, parehas lang 'yun."

Parang sinaksak si Miala sa dibdib. She knows it was a lame excuse.

"Pero tinuring naman kitang totoong kaibigan. I really do."

"I know." Sabi ni Riley at saka pinara ang dumadaang taxi at pinaunang sumakay si Miala. "Ingat ka pauwi, Miala."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon