Chapter 82 - Perils (March 17, 2019)

12.5K 328 19
                                    

#IHK82

Nang pumasok si Miala sa bahay nila noong gabing 'yun, may parte sa puso niya na gumaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang pumasok si Miala sa bahay nila noong gabing 'yun, may parte sa puso niya na gumaan. She knows that this is not just because she already got hold of Andres. Hindi ito dahil nagkausap na sila. Hindi ito dahil maayos pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.

She finally felt light-hearted after so many nights of pain and misery because of her own concession to her inner self. Na dapat niyang tanggapin kung ano man ang puwedeng mangyari. Na puwede siyang iwan ng mga tao, at puwede nilang gawin lahat ng gusto nila. She hopes that they will stay, pero hindi niya iaasa sa iba ang paghilom niya. Na dapat kayanin niya. Ang pinakamahalaga lang ngayon ay kung paano siya makakabangon— lalo na't ang natitira niyang problema ang pinaka-importante.

Pagpasok niya, nakatingin lang sa kanya ang nanay niya. This time, she really wanted to say sorry. Pero ngayon, 'yung wala nang accusations. Wala ng pagtuturuan. Hihingi na siya ng tawad ng buong puso. At kung dati, ayaw niyang akuin ang lahat ng kasalanan kung bakit nangyari sa kanya ito, ngayon, she knew desisyon niya pa rin lahat ng 'yun.

It was her decision to have that secret relationship. It was her decision to keep it a secret from her mom kahit na umabot na silang lahat nila Lenard sa ganoong sitwasyon. It went on and on.

"Ma... I'm sorry po."

But she knew her mom isn't judging her this time around. Hindi niya alam kung bakit kahit hindi pa siya nagpapaliwanag, ni nakakapagsalita ngayon ay parang bumalik na 'yung dating warmth and fondness sa mga mata nito.

"Halika nga dito." Ani Mindy habang hinihila si Miala into an embrace. I'm really sorry anak. I'm so sorry."

And there were no more words. Nagyakapan lang silang mag-ina habang binibigyan ng buong kaunawaan at kapatawaran ang isa't-isa.

And it was the best and most peaceful night in Miala's life. She knew her heart is in a happy place. Sobrang saya na parang wala nang paglagyan pa.

Pero hindi niya alam kung anong meron. Na kahit hindi niya iniisip, kahit hindi siya conscious about it, parang may kakaiba na lang siyang naramdaman. 'Yung bigla na lang siyang kinabahan. Dahil heto na naman, masaya na naman siya. Kuntento na naman siya. At kapag ganito, palaging may sumusunod na disgrasya. Na parang hindi talaga siya puwedeng maging masaya nang matagal.

Kaya kalagitnaan ng madaling araw, nagising rin agad siya.

Ginawa niya naman ang lahat para makatulog pero parang ayaw na talaga. Ikot lang siya ng ikot sa maliit niyang kutson. Kaya ilang saglit pa, bumangon na rin siya at unti-unting lumabas ng kwarto, palabas din ng bahay.

Pero laking gulat niya nang may makita siyang taong nakaupo sa may labas ng pintuan nila.

"Ay, gulay!"

Gusto niya sanang tumakbo pabalik sa loob dahil hindi niya muna ito nakilala, pero nang humarap, hindi niya alam ang mararamdaman nang makita ang hulas na itsura ni Lenard.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon