Chapter 28 - Why is he here? (August 23, 2018)

163K 2.8K 412
                                    

First day of school. 4th year na nila Miala sa college, at sa Doctor of Veterinary Medicine proper, nasa pangalawang year na sila. Ngayon na lang din sila nagkita pagkatapos ng eksenahan sa reception.

Tinitignan ni Miala at Riley ang subjects nila sa curriculum.

"Classmate ba kita sa Veterinary Entomology & Protozoology?" Tanong ni Riley kay Miala. "Wala pa kasing naka-lagay na prof sa website hanggang ngayon. Grabe, sana hindi si Montaos. Halimaw 'yun eh."

"Oo yata. Classmates yata tayo."

"Thank God! Sa Pharmacology & Therapeutics I?" Tinignan ni Riley ang papel ni Miala. "Ano ba 'yan hindi!"

"Dependent ka sa'kin no?" Pangaasar ni Miala.

"Sino kaya ang maladas mangopya lalo na sa microbiology?"

Masayang pinagmasdan ni Riley si Miala. At least she looks better than the past few days. Mukhang normal na ito at hindi emotional. Nakikipagbiruan na at nasa wisyo.

Later, Miala's phone beeps. Agad sinilip ni Riley kung sinong nagte-text, fearing that she had relapsed at ka-text na nito si Lenard.

Pero iba ang pangalang nakita niya.

"Sinong Andres 'yan?"

"Ha? Si Andres." Pero naalala ni Miala na hindi pa nga pala ito nakikilala ni Riley. "Ano 'to. Nakilala ko sa kasal nila Jane."

Takang-taka si Riley.

"At may nakilala ka pa sa dami ng nangyari doon ah."

"Hindi gagi." Gustong matawa ni Miala. Oo nga naman. Sa dami ng drama, parang sa point of view ni Riley na wala sa kasal at reception, imposibleng maisingit niya ang mga bagay na ito. "Partner ko 'to sa entourage."

"Tapos?"

"Anong tapos?"

"Tapos jowa mo na?"

Gustong batukan ni Miala si Riley.

"Adik! Naka-shabu ka ba?"

"Eh bakit may text-text ng hi."

"Tignan mo nga dito kung nireplayan ko! Tignan mo!" Halos ipagduldulan ni Miala ang cellphone niya sa mukha ni Riley.

As Riley scrolls, nakita niya ang mga text nito kay Miala.

Miyaw

Hi.

Mialaw.

Miyaw.

Hi.

"May topak yata 'to eh." Comment ni Riley sa mga Miyaw messages.

"Oo, may topak 'yan." Nakangiting sabi ni Miala.

"Isang beses mo pa lang na-meet parang kilalang-kilala mo na."

Gustong sabihin ni Miala na hindi lang naman isang beses sila nagkita. Na nakita niya rin ito sa bar pagkatapos nang pinakalegendary Pinoy Henyo ng taon. Pero ayaw niyang magkuwento ngayon dito. Sobrang okay na ulit ng feelings niya kaya ayaw niyang buksan ulit 'yung pintuan ng halo-halong pakiramdam. She just wants to stay in this feeling.

"Grabe siya oh. Kaya nga hindi ko nirereplayan!"

"Pero alam mo, kung magbo-boyfriend ka, hindi naman kita pipigilan eh."

"Wow. Sino naman nagsabing magpapapigil ako sa'yo."

"Ouch."

"Haha! Biro lang. Siyempre importante pa rin opinion mo. Weird mo lang para mag-isip na jowa ko si Andres eh 'di ko pa nga siya nakwento sa'yo. Kung magboboyfriend ako, malalaman mo naman. 'Ni wala ngang nanliligaw sa'kin." Gusto niyang malungkot. Lalo na kapag naiisip niya na 'yung Lenard na 'yun, nakadalawa na.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon