Sumunod lang si Miala kay Andres sa kung saan man siya dinadala nito. She didn't ask anymore. All she knew was that her heart is already in a good place na parang ayaw niya nang magtanong pa.
Walang dalang sasakyan ngayon si Andres. Hindi na rin niya inabalang tanungin kung nasaan si Angelina at hindi niya nakikita. Basta hinayaan niya na lang itong i-lead siya kung saan sila sasakay ngayong parang first time nilang magko-commute ng ganito kahaba ng sabay.
It was when they rode a bus that it felt very familiar.
Dahil hindi naman siya tanga. Kung dati, noong bata siya, na basta-basta na lang siyang sumakay ng bus ng hindi tinitignan ang karatula, ngayon, alam na alam niya kung nasaan sila.
"Verde?" She whispered.
Ngumiti lang si Andres at hindi nagsalita.
And Miala didn't press for more.
She just sat on the chair in the middle, habang si Andres ang nasa tabi ng bintana.
Miala at first couldn't pinpoint the uncanny emotions not settling on her chest. Until she realized— it was indeed really familiar, because this happened a decade ago. Only with a different person.
With Lenard.
The same ride. The same turns and bumps on the road. Umiiyak din siya. Only this time, she's with a different person.
"Tama na kase..." Sabi ni Andres as he wiped her tears na paminsan-minsan pa ring nakakatakas sa mga mata, betraying her forced smile.
"Weird lang kasi."
"What's weird?"
"It feels like I'm overwriting memories right now."
"Overwriting?" Andres grinned. "Paano?"
Umiling lang si Miala as she puts her head on his shoulder.
"Basta salamat... Salamat..."
She wanted to say thank you endlessly. Pero nakatulog siya. Doon na lang niya naramdaman ang pagod, at antok.
Nagising na lang siya nang maramdaman ang marahang tapik sa mga pisngi niya.
"Nandito na tayo?"
"Yup." Sagot ni Andres for what it felt like the shyest he has ever been. He appears to be even more timid timid than that one time they started being cozy together. 'Yung panahong hiyang-hiya pa si Andres gumawa ng move because she was his first kiss.
Kinusot niya ang mga mata na parang lumabo dahil sa malakas na sikat ng araw na una niyang nakita.
"Ahk... Ang sakit." Nagulat din siya ng nakaramdam ng kirot dahil sa biglang pagkusot niya. Bigla niyang naramdaman na parang namyumugto pala 'yung mata niya na hindi naman malabong mangyari dahil sa dami ng iniyak niya buong gabi.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...