Miala can see and feel the pain in Lenard's face na kahit siya, gusto niyang mag-sorry sa masasakit na salit.
But before she can feel bad about this person, naalala niya rin ang mga napagdaanan niya nang umalis ito. Kaya nope. She tried to keep her sympathy at bay para unti-unting itulak ito palabas ng utak at puso niya. Hindi pwedeng maawa ka sa taong hindi naman nagpakita ng konting awa sa'yo. She convinced herself na tama lang 'yung sinabi niya. Wala pa 'yun sa mga napagdaanan niya. Sus.
But she thought, ayos naman si Lenard eh. He wasn't like the best boyfriend ever, not that she has some other exboyfriends to compare with, pero alam niyang may mga pagkukulang din naman siya sa relasyon nila.
They were both young, and quite naïve back then. Walang kamuwang-muwang sa mundo. Halos sabay lang din nilang naranasan ang mga bagay sa unang beses. They were each others' many firsts. First love. First kiss. First everything.
But she honestly thought Lenard was okay. He was supportive and cute and fun. Naging endless source of kilig niya rin ito sa katawan. They never really fought about something really serious. Siyempre ano ba naman ang pwedeng maging issue dati, dahil sobrang bata pa nila. Halos lahat ng napapagawayan nila, naso-solve lang din agad. Ang pinaka main issue lang din siguro nila ay ang hindi pagiging legal ng relationship nila sa nanay ni Miala.
But Lenard waited. He waited and waited hanggang halos umabot sila ng 5 years.
Everything that happened before Lenard left was almost flawless. Hanggang sa dumating na lang ang araw na nagcheat ito, at sumama kay Angeli.
That's the start of Miala's fall.
Kaya kapag naalala niya ang lahat ng nangyari sa kanya Post-Lenard, nawawala ang kahit anong awang nararamdaman niya para dito.
But she feels for the old lady. Sa lola ni Lenard.
Para sa kanya, wala naman itong ginagawang masama eh. She was just there at the wedding at hindi nabantayan ni Lenard dahil busy itong magpasikat sa barista skills niya kanina at magpalobo ng pride habang nakikipagtalo sa kanya tungkol sa gusto niyang kape.
"Lola Roxy!" Sigaw ng mga naghahanap.
Inabot ng halos isang oras sa paghahanap. Umabot na rin sa mga kapitbahay na ginambala pa nila kahit na mga natutulog, pero wala talaga. Kahit bakas ng yellow bag ni lola Roxy, hindi nila makita.
Halos lahat na naghahanap, including Tom's parents na maya-maya ay nagpahinga rin. They all feel worried and sorry to Lenard pero napapagod na rin ang lahat. Unti-unti ng nagsisiuwian.
Miala wonders, bakit hindi niya nakita ever ang lola ni Lenard na ito. She has been visiting his house for like 5 years, pero kahit anino ng matandang ito hindi niya nakita dati.
She deduced: "Baka lola niya sa nanay."
Then a little later, halos parang wala nang pag-asa. Narinig niyang gusto na ni Lenard na magreport sa pulis pero kinukumbinsi siya ni Tom na tumawag muna sa tatay nito.
"Baka mamaya umuwi lang naman pala 'yang lola mo eh."
"Magsasabi naman 'yun kung uuwi na kay dad. At saka nandiyan pa 'yung sasakyan eh. Mahirap magbook ng grab ngayon."
Hindi alam ni Mia kung bakit nabanggit ang tatay ni Lenard ngayon. For all she knew, hindi na rin naman bumalik si Lenard sa bahay ng tatay nito. Isa ito sa mga pinuntahan niya noon noong nawala ng parang bulo si Lenard. Nagpabalik-balik siya kay Sonny Nobleza pero wala siyang napala. Kahit ang sarili nitong tatay, hindi na rin nakarinig sa anak.
Kaya bakit nasasabi ni Lenard ang salitang 'dad' ngayon na parang wala lang?
Napatitig na lang siya dito habang nagiisip. Is he back? Dahil sa pagtitig niya, andiyan na naman si Lenard, lumalapit papalapit sa kanya. Naisip niya na baka hindi niya na dapat tinatakasan ang lalaking ito, na dapat niya na talagang harapin and acknowledge the elephant in the room.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...