#IHK61
"This place is actually, beautiful. Suits you."
Tumango lang si Miala as she leads Andres into her condo. Hindi niya rin alam kung bakit sila umabot dito, pero ayaw niya pang mawalay dito. As soon as she sees him, para siyang nagkaroon ng taong masusumbungan eh. That it felt like he's always saying the right words, doing the right thing. Na parang kilalang-kilala siya nito at ang mga bagay na makakawala ng galit sa puso niya.
Na parang ang sarap-sarap kapag siya naman 'yung minamahal. Nakaka-miss din pala 'yung ganung pakiramdam. Gusto niyang magsumbong dito, magsabi ng lahat ng nilalaman ng utak niya. Magpahinga lang. Na parang may magpo-protekta sa kanya kapag nandito ito.
"Why don't you take a shower. Then I'll tuck you to sleep before I leave?"
Tumango lang ulit siya bago mabilis na nagshower. Iniwan niya si Andres sa maliit na living area habang siya ay mabilis na naliligo. She inspected the damage on her face. Mas malinaw na ngayon ang mga sugat na natamo niya. Mas marami sa noo na kaya naman takpan ng buhok. Hindi na rin naman nagdudugo ang ilong niya na parang nadale lang talaga.
Ang inaalala niya ay 'yung bahagyang tama niya sa mata na baka bumuo ng hematoma later.
"Sana huwag naman..."
Sa mga braso, inabot din pala. Kitang-kita ito habang nagsusuot siya ng pajama.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas siya kay Andres na nagaabang pa rin sa kanya.
"Halika na. Matulog ka na. Magpahinga ka na." He lead her inside. At parang tototohanin nga nito ang sinabi nito na papatulugin lang siya at aalis na.
She suddenly felt clingy. Na parang biglang ayaw niya ito umalis. Pero ayaw niyang sabihin. Hindi niya kayang sabihin.
But as soon as he tucks her in, bigla niya itong hinawakan sa kamay.
"Oh?"
"Dito ka na kaya matulog?"
"Nako, Mia ah." Natatawa si Andres. "It's a very bad idea. You know it's a very bad idea."
"Please?"
Hindi makasagot si Andres.
"Sige. Kahit dito ka lang hanggang makatulog ako."
Miala didn't know what she's doing. But she wanted this. Hindi naman siyempre tumanggi si Andres as he joins her under the sheets.
"Madumi ako." Huling sinabi nito bago niyakap si Mia.
She is once again in her favorite place. She felt secure. And safe. Pero nararamdaman na naman niyo 'yung naguumapay niyang damdamin kaya unti-unti na naman siyang naiyak.
Andres didn't ask questions. Hindi lang ito nagsalita at hinaplos-haplos lang ang buhok ni Miala. Nang humupa lang ang bugso ng iyak ni Mia, at saka lang muling may sinabi si Andres.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
Literatura KobiecaLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...