As usual, Miala felt the weakest after. May mga time na parang babalik siya sa downward spiral, kaya gusto niya na lang umalis not to distract herself from her feelings.
Kasi totoo. Mahal niya 'yung tao. Pero ayaw niyang may matulad sa kanya at sa mga pinagdaanan niya para sa pagmamahal na 'yun.
For two weeks, nagpaalam si Miala to volunteer to take care of Tom para naman makapagayos si Jane ng sarili niya. Pumayag din naman ang nanay niya after a few prodding. Hindi na lang niya sinabi na sa ospital or kina Jane na lang siya nakikiligo at nagpapalit ng damit dahil siguradong mapapagalitan siya na pinapahirapan niya pa ang sarili niya.
Totoo naman at sincere ang gesture niya para sa mga kaibigan, pero dahilan niya din ito para tuluyang malayo kay Lenard.
And she can't believe she felt so much better just after a few days of not seeing him. She knew he was both her umbrella and her rain. Pero madami pa rin namang paraan para hindi ka mabasa. Pwede kang magkulong sa bahay, o pwede kang umalis sa lugar na maulan. And that's what she's doing. She is separating herself from the energy of the place which has Lenard.
Siguro, ganito siya because of the fact na nasabi niya dito ang isang bagay na hindi niya ine-expect na mararamdaman niya. She really felt for Graciella. Ramdam na ramdam niya ang nararamdaman nito kahit hindi pa man niya ito nakikita after what Lenard did.
Alam ni Miala sa sarili niya, na mahal niya talaga 'tong taong 'to. And she knows it will never fade. Pero ngayon para siyang naliliwanagan. Parang marami siyang natutunan. Parang naging iba siyang tao in a span of a few days. At sabi nga What consumes your mind, controls your heart. Kaya ayaw niya na talaga muna itong isipin. Ayaw niyang 'yung utak niya pa talaga ang nagbubuyo sa puso niya para mahalin pa 'yun dahil attached pa siya. Kaya pinagpasyahan niya talagang lumayo.
5 days na nagbabantay siya sa ospital, napagdesisyunan niyang gastusin ang 10 percent ng actual savings niya, thinking that retail theraphy is the best theraphy sa mga emotional at may pinagdadaanang katulad niya.
Nagshopping siya ng kung ano-ano. Namili ng mga bagong damit, sapatos, bag, mga gamit ni Misha, at nanood ng concert tickets kahit hindi niya kailangan. Sinabi niya na lang that she deserves all of these.
Mga anim na paper bag ang dala niya when she decided to eat in a dog café sa di kalayuan. Sobrang miss na kasi niya si Misha pero ayaw niya pa talagang umuwi. Kailangan niya ng clarity of mind. Kaya dito na lang siya nagpunta para mapunan ang pangungulila niya sa aso niya.
Sobrang excited siya na umupo sa isang table nang makitang may Pomeranian na kahawig din ni Misha at Hachi. Hindi niya tuloy napansin na natabig niya ang isang milk tea ng isang lalaki
"So, are you going to pay for this?"
Tumayo ang lalaki.
"Huh?" Napansin niya ang malaking mantsa sa putting t-shirt nito na may nakalagay na BOTB Andy. "Andres?"
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...