Chapter 80 - First Love (March 17, 2019)

14.4K 349 29
                                    

#IHK80

'Di katulad ng karaniwang libing, walang umiiyak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Di katulad ng karaniwang libing, walang umiiyak. Alam naman ng lahat na hindi ito masayang sandali, at wala rin namang nagsasaya. Pero payapa lang ang lahat habang inilalagak si Tom sa huli nitong hantungan— na para bang nakahinga na ng maluwag lahat ng mga nagmamahal nito sa buhay na kahit na hindi na nila ito makakasama dito sa mundong ibabaw, sa wakas, hindi na ito nahihirapan pa.

Nakatanaw lang si Lenard kay Jane na naghuhulog ng puting bulaklak kasama ang mga magulang niya at si Jewel. Ang mga magulang at kapamilya naman ni Tom sa kabilang banda.

Halos hindi na naiintindihan ni Lenard kung ang nararamdaman niya ba ay dahil sa pamamaalam sa malapit na kaibigan, o sa mga problemang hanggang ngayon ay dala-dala niya.

He can't even grieve properly because of all the hurt and pain from all those recent revelations. Gusto niyang magsabi kay Jane ng lahat ng nararamdaman niya, but he didn't want to taint her with his darkness. Lalong lalo na ngayon na tuluyan nang hindi nito makakasama si Tom— nila ng baby nito.

Kaya nang matapos ang libing, niyakap niya na lang ang kaibigan ng mahigpit na mahigpit.

"Kung may kailangan ka, nandito lang ako ah..."

"Salamat Len ha..."

Jane gave him one last squeeze in around the arms bago ito nagpunta kasama ng pamilya nito at naglakad sa kani-kanilang sasakyan. Halos nagsimula pa ngang maubos ang mga tao, bago napansin ni Lenard na wala na yata talaga siyang ganang gumalaw. Na kahit ang pag-alis sa lugar na 'yun, hindi niya mabigyan ang sarili niya ng drive at rason para kumilos.

Hanggang sa naubos na lahat ng nakikipaglibing, pero nandoon pa rin si Lenard. Feeling useless and purposeless. Ni hindi niya alam na may mas isasama pa pala kaysa sa pakiramdam niya noong umalis siya ng bahay nila 3 years ago. Mas masaklap pa sa puso niya noon na punong-puno ng galit at lungkot, mas miserable pa pala ang pakiramdam ng pusong parang wala ng gana. Wala nang laman.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa sasakyan. As he allowed his subconscious to take over. Naisip niya, na siguro ito 'yung nararamdaman ng mga taong sinasaktan nila ang sarili nila. Hindi para mahirapan at masaktan— pero para makaramdam ulit.

He didn't realize he is already on his way to Verde.

Hindi niya alam kung dahil ba sa kawalan ng mapagsasabihan that he already resolved into this. Biglaan lang. Halos hindi niya nga pinagisipan eh. Basta ang alam niya, kailangan niyang makarating doon.

To the place that provokes every bit of his cell the most.

Because he just wants to clear something. Although at the back of his mind, he also wanted to see her.

"No..." Napahinto siya at the middle of his drive. Pushing away his thoughts, and the fact that in truth, the main reason why he's going there is not just because he wants answers, it's because he needs her more than anything else now.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon