Chapter 30 - Meet the parents (August 28, 2018)

154K 2.6K 315
                                    

The special day finally arrived. Ipapakilala na ni Mindy sa anak ang dine-date nito. Nagliligpit-ligpit lang din ito habang inaantay niyang matapos si Miala sa pagbibihis.

"O, ma. What time ba tayo aalis? Ready na me."

Pumasok bigla si Miala sa kwarto ni Mindy. Bigla niya tuloy nakitang halos lahat ng gamit nito ay nakakahon na.

"Wow ah. Ready na ready ka na talaga sa paglipat kay jowa ah."

"Maka-jowa naman 'to!"

"Ayee. Si mama, nagba-blush."

"Kung makapagsalita 'no, parang hindi ikaw 'yung may syndrome."

"Iba pa rin kapag totoong blush na katulad nung sa'yo. Hindi katulad ng sa'kin."

Nahiya ang nanay ni Miala at ibinaling sa kasuotan niya ang atensyon.

"Ano ba naman 'yang suot mo. Para kang matutulog lang." Bati nito sa sweatshirt at pants na suot niya.

"Matutulog?" Humarap si Miala sa life size mirror sa likod niya. Maayos naman ang itsura niya. "Bago pa kaya 'tong pantaas na 'to. Saang parte ang matutulog dito? Grabe ba mag-judge 'yung jowa mo ma?"

"I said, stop saying jowa."

"Okay." Lumunok si Mia. "Sobrang yaman ba ng boyfriend mo ma, na lalaitin niya damit ko?"

"Hindi naman Mia. Pero pormal kasi 'yung pupuntahan natin mamaya." Her mom reminded her.

"Paanong pormal ba? Kailangan dress ba?"

"Bakit hindi?"

"Seryoso ba ma?"

"Oo nga kasi. Fine dining 'yun."

"So mag-dress ka din? Wow ma, ayos."

"Oo nga. Paluin kita diyan eh. Umayos ka na."

"Bibili pa ba ako ng dress para dito? Sana sinabi mo pa dati ma."

"Bakit hindi mo isuot 'yung dress mo na puti? Okay 'yun.."

Halos matawa si Mia.

"Ma, sobrang luma na nun. Ang tagal ko na ngang hindi sinusuot 'yun baka hindi na magkasya.

"Tange, maluwag 'yun sa'yo dati. Sobrang kapayatan days mo pa 'yun kaya para ka pang hanger. Ngayon, I'm sure, saktong-sakto na 'yun sa'yo."

Napakamot na lang si Miala at napabalik sa kwarto.

Hindi niya akalaing hahanapin niya pa ang damit na 'yun.

Dress 'yun na binili niya noong Grade 12 pa sila. Sinuot niya 'yun sa isang debut na cocktail ang required na attire. Noong panahong 'yun, tama ang nanay niya dahil medyo maluwag sa kanya ang damit, pero dati, malaki na kasi ang balakang niya kaya hindi na siya pumili ng mas maliit na size.

RTW lang naman ito na binili niya sa isang boutique. Isang puting sheath dress na humakahab sa katawan. Naalala niyang ayaw na ayaw ni Lenard noon for unknown reasons. Masyado daw nakakaakit.

In her defense, ayaw niyang ipadikta sa boyfriend niya dati ang susuotin. She has her own life at 'di muntik pa silang magaway tungkol dito.

Nainis na lang si Miala nang maalala ang memory na 'yun at isinukat ang damit.

"Ah. Muntik nang hindi magkasya." Pagod na pagod siya nang matapos magfit. "Halos hindi niya maidaan sa balakang dahil talagang lumaki na ito. But fortunately, it still fits. Kung hindi naman kasi niya ikukumpara ang sarili sa iba, she has the right curves in the right places. At siguro, kung ngayon sila pa rin ni Lenard ngayon, baka nakarinig na naman siya ng kung ano dito. Lalo na at parang umikli din ang damit sa kanya. Ang alam niya naman ay hindi na siya tumangkad pa.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon