"Miala. Miala ano ba? Kakain na. Alam mo binabaliktad mo kasi 'yang tulog mo eh. Mamaya sa pasukan hindi ka na naman magising ng maaga dahil sa pagpupuyat mo!"
Kanina pa nagsasalita ang nanay ni Miala sa labas ng kwarto niya pero wala talaga siyang ganang bumangon. Hanggang ngayon, pinagiisipan niya pa rin kung paanong gagawin niya sa darating na kasal. Bakit kasi hindi pa niya sinabi sa lahat 'yung totoong nararamdaman niya kesa instinctively, sinabi niyang okay siya.
"Mia!" Sigaw ulit ni Mindy sa labas.
"Opo ma! Pababa na." Sagot niya na walang halong enthusiasm.
Nagvibrate ang cellphone niya na nagpabalikwas sa kanya at napabangon. Ever since malaman niya na babalik si Lenard, jumpy na siya sa lahat ng bagay. Gusto niyang pagalitan ang sarili niya dahil ano bang inexpect ng babaeng iniwan na katulad niya, na magtetext na lang ito bigla sa kanya at mangungumusta?
"Parang tanga Mia. Parang tanga! Ikaw ang galit. Wala kang kasalanan sa kanya pero kung umarte ka parang ikaw 'yung nang-iwan at may atrase." Sobra niya na i-psyched up ang sarili as if matuturuan niya ang mga reflexes. Para kasing sa pagdating ng news ng pagbabalik ni Lenard, iniisip niya na agad na dapat mag-sorry ito sa kanya. Na dapat sa kanya muna ito dumiretso. Not that she wanted him back. No, she doesn't think about that. Galit siya eh. Oh yes, she tries to hard to instill in her subconscious na kaya lang niya naiisip na dapat first task ni Lenard sa pagbabalik sa Manila eh ang paghingi ng dispensa sa kanya.
Pero at the same time, ayaw niya rin makita ito. She feels so conflicted dahil hindi pa naman talaga siya ready na makita ito, pero naiinis siya na parang hindi man lang siya pupuntahan nito para mag-sorry bago magpakasaya sa kasal nila Tom and Jane. Na parang wala lang. Naiinis lang siya. Siguro, fixated lang talaga ang pagka-inis niya dito na kahit ano sigurong gawin nito sa harap niya, maiinis siya.
Maya-maya, naramdaman niya ang isang paggalaw sa gilid niya. Si Misha, ang 3 year old Pomeranian niya na regalo pa ni Riley.
"Hi Misha. Gutom ka na ba?" And another memory came flashing on her head. Ang totoo ay meron din siyang Pomeranian dati na kasing kulay at halos kamukhang-kamukha ni Misha. Si Hachi. Regalo din ito sa kanya.
Ni Lenard.
Nahirapan din siyang ilagay sa bahay nila si Hachi noon, 3rdyear anniversary gift sa kanya ito ni Lenard pero siyempre hindi niya ito pwedeng sabihin sa nanay niya. Nangupit pa siya kunwari ng malaking pera sa wallet ng nanay niya para kunwari ay binili niya ang aso. Napagalitan siya, pero that's okay with her. Ang mahalaga ay naipasok niya dati si Hachi sa bahay at minahal na rin ng nanay niya.
But for unknown reasons. Noong panahong depressed siya, parang na-depress din si Hachi at namatay.
Halos naging dahilan niya rin ito para legal na makaiyak.
Kung akala ng nanay niya ay si Hachi ang iniiyakan niya noon, tama naman ito. Pero kasma na rin 'yung issue kay Lenard sa mga hagulgol niya.
He was so sorry to Hachi a few months later. At mabuti na lang nakarecover siya nang may kamukha si Hachi sa shelter sa Verde 'noong binisita nila ito ni Riley at mga blocmates nila sa kursong Vetmed.
She finally checks her phone.
Notification lang pala ito ng "On This Day" Memories sa facebook. 3 years ago, nagpost siya ng isang ka-jejehan na kahit naka-private ay nagno-notify pa rin pala. It says:
Miala Grace Montes
June 30, 2015
"At this point I've already ran out of questions why we never were. That the only thing I can measure is the shortness of my breath. And when they said good things come to those who wait, did they lie?"
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...