Walang imik si Miala sa dining room ng mga Guerrero nang yayain siyang pakainin na rin doon pagkatapos dumating mga mga magulang ni Jane at Jewel. Okay na siya at wala na rin siyang init na nararamdaman sa mga mukha niya. Nagstabilize na ang condition niya dahil na rin sa matinding concentration.Ayaw na ayaw talaga niyang ma-betray ng blushing. Pero aminado naman siya na kanina, talagang hinayaan niya lang lumabas ang feelings niya.
Kahit na balik na sa normal ang mukha ni Miala, halata naman sa mukha ni Jane ang pagka-guilty kaya hinahawakan na lang ni Tom ang kamay nito sa ilalim ng lamesa. Alam nilang pinipilit lang din ni Miala na maging okay.
Pagtapos ng hapunan, pinipigilan ng nanay ni Jane si Mia na tumulong pa sa paghuhugas kaya nauwi na lang siya sa swing sa labas ng bahay kasama si Jane matapos magpaalam ni Tommy.
"I'm sorry talaga Mia. Tom says sorry pero hindi niya lang alam kung paano mag-approach. Alam mo naman 'yung lalaking 'yun—"
"No, Jane." Bumuntong-hininga siya. "Ako dapat ang mag-sorry. I should have acted out." Totoong okay na naman siya. She's trying her best.
"Hindi Mia. It's not acting out. Your reaction is completely understandable. Kung ako rin naman malaman ko sa ganung paraan na dadating ex ko... I could have been worse."
Alam ni Miala na pinapagaan lang ni Jane ang sitwasyon. Dahil ang totoo. Ngayong nahimasmasan na siya, iba na ang nararamdaman niya. At pinagsisisihan niya na ang paggawa niya ng eksena sa kwarto ni Jane. Mabuti na nga lang at sa kwarto ni Jane niya 'yun naramdaman at hindi sa living room kung saan madadatnan pa siya ng mga magulang nila Jane.
"Hindi... Jane. Pasensya ka na talaga." Hinawakan niya ang kamay nito to express her sincerity. "Nahihiya nga ako na ganun pa rin reaction ko. Nakahiya na sobrang tagal na nun. Like ano na ba." Huminto siya para magbilang kahit ang totoo naman alam na alam niya kung gaano na katagal. "More than 3 years?"
Walang maisagot si Jane.
"Sorry kung ganon 'yung reaction ko ha? Sobrang OA lang. Napagsalitaan pa kita ng masama kahit na dapat naintindihan ko na naipit ka rin sa sitwasyon. Sana maintindihan din ako ni Tommy ha."
"Of course. Of course. Nahihiya talaga si Tom sa'yo Mia. Actually, 'nung isang bwan niya lang ulit na-contact si ano... si Lenard." Punung-puno ng hesitation ang boses ni Jane. At kahit na nasa topic na nila ang lalaki, hindi pa rin maiwasan ni Miala na mag-flinch. "Ano lang talaga. Kamustahan. Out of courtesy na din, he invited him at our wedding."
Jane paused. Pilit na tinatantsa ang expression ni Miala.
"Eh ayun. Hindi niya talaga ineexpect na sasabihin ni Lenard na pupunta siya. Promise." Tinaas pa ni Jane ang kanang kamay. "Hindi ko 'to sinasabi pampagaan ng issue ah. Kasi ang totoo, palagi naman niya daw 'yun niyaya kapag may okasyon. Pero hindi talaga sumasagot si L-lenard. O kaya naman sasabihin niya, pass siya. Palaging ganun. Ngayon lang talaga. At siyempre natuwa si Tommy kasi bestfriend niya pa rin si Lenny."
"Okay lang Jane. Hindi mo naman na kailangang mag-explain. Pasensya na talaga. Sobrang naiintindihan ko kayo."
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...