Prologue (June 25, 2018)

900K 9.9K 1.5K
                                    

Hi,

This book was written around October 2011 but was only completed around  March 2019. So I implore you to go easy while reading as I've encountered  too many stops while writing this. Plus, the datedness of this material will affect your current disposition. So please, if you are looking for fresh concepts and ultramodern ideas, this may not be for you.

What year are you reading this? 2020? So if it is, please note that this baby is already existing for a decade. 

Nevertheless, if you don't mind reading an old material, I hope you still enjoy.

Thanks,

Glimmer

I HEART KUYA 


***

Para sa mga taong nahihirapang magmahal...

***


PROLOGUE

Kapag bata ka, akala mo, 'yun na 'yun.

'Yun na ang pinakamabigat na problema.

'Yun na ang pinakamasarap na pakiramdam.

'Yun na ang totoong pagmamahal.

Hindi mo alam, nagsisimula ka pa lang pala sa karera ng buhay.

Hindi mo alam, may mas bibigay pa pala sa lahat ng naranasan mong problema.

Hindi mo alam, marami ka pang matututunan at mararanasan.

Ako si Miala.

Isang simpleng babae na nangangarap lang ng simpleng buhay, at simpleng pagmamahal.

Palagi kong sinasabi na, 'yung naging kaisa-isang relasyon ko dati, hindi pa 'yun 'yon.

High school pa 'yun eh. At baka tama si mama, hindi pa totoong pagmamahal 'yun.

Pero bakit ilang taon na rin ang nakakaraan, hindi ko pa rin ulit nararansang magmahal?

Wala pa rin 'yun sinasabi nilang all-consuming, gut-wrenching kind of love.

Na para bang gusto kong sabihin, ah, sayang naman, kasi 'yun na 'yon.

Si Lenard na 'yung taong kaisa-isa kong mamahalin...

Kahit 'di niya ako mahal.

Alam ko naman, in hindsight that we're never meant to stay together forever.

And we didn't. Because he left me when I thought he never will.

Pero bakit ngayon, bumabalik siya kung kelan naka-move on na ako?

Bakit parang bumabalik lahat ng nararamdaman ko kahit alam kong hindi pwede.

Una, dahil mahihiya naman ako sa sarili ko dahil sa lahat ng sakit na dinanas ko, siya pa rin ba talaga gusto ko? Sobrang tanga ko naman kung aabot pa doon.

Pangalawa, may iba na siya. Hindi lang isa. Dalawang beses na siyang nagpalit pagtapos ko.

Pangatlo, bawal pa rin naman akong magboyfriend. Kung ayaw kong maubos ang buhok ko.

At huli, alam kong tinakda na hindi talaga pwedeng maging kami. At baka nga sinadya nga ng tadhana na maghiwalay na kami dati pa, dahil hindi namin alam kung paano kami kikilos ngayon, kung sakaling kami pa.

Dahil ang mga magulang namin, magpapakasal na.

Si Lenard, na ex ko lang dati, ay magiging kuya ko na.

P***** ***!!!

*later*


Started:  October 2011

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Started: October 2011

Revamped: June 2018

Finished: March 2019

Published: October 2018

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon