Chapter 81 - Always a family (March 17, 2019)

13K 304 28
                                    

#IHK81

Walang kibuan sila Miala at Andres pabalik ng Manila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang kibuan sila Miala at Andres pabalik ng Manila. Aside from Andres giving her occasional smiles kapag tumitingin siya dito, halos hindi nila pinagusapan ang nangyari.

Miala wanted to cuss at Lenard. Bakit kasi sa lahat naman ng sandali, lilitaw pa rin ito at parang sinira pa 'yung maayos na lakad nila ni Andres dito.

But she knows what she's feeling is kind of petty. Dahil alam niya namang hindi nandoon si Lenard para guluhin sila o ano. Ni wala ngang nakakaalam na kahit sino kung saan siya pumunta eh. Kahit siya mismo, hindi man lang pina-abisuhan ni Andres bago pa man dalhin dito, kaya alam niyang hindi sinasadya na magkita-kita sila kanina.

Pero kahit ano pa mang dahilan ni Lenard kung bakit ito saktong nandoon din sa Verde kanina, kitang-kita rin naman niya ang pagkagulat dito nang makita siya.

Ang totoo niyan, malayo pa lang 'yung kotse ni Lenard, napansin niya na ito. Noong una, akala niya lang kamukha lang. Pero 'paglapit nito sa kanila at nakita ang mga plate number ay nasigurado niya na.

At hindi niya rin naman masisisi si Andres kung harap-harapan din itong tumanggi sa alok ni Lenard na sumabay sila. Siguro, kung siya lang, dahil sa awkwardness ng sitwasyon, baka napa-oo siya kahit hindi naman talaga siya kumportable at alam niyang pagsisisihan niya ang desisyon na 'yun.

Pero ganun eh. Siguro may mga bagay na mahirap tanggihan kahit deep inside, parang tanga lang 'yung nangyayari. Siguro kaya rin humihirap ang buhay ng mga tao kasi, hindi sila nakakapagdesisyon ng ganoon kabilis— na kasing bilis ng ginawa ni Andres.

Na ayaw nito. At sasabihin nito ito agad-agad.

Maybe it's really a luxury to say no without having to explain yourself.

At dahil sa nangyari, Miala aspires to be that way.

'Yung walang pali-paliwanag. 'Yung hindi mo kailangang mag-excuse.

"Are you okay?" Maya-maya tanong ni Andres nang pababa na sila ng bus.

Umiling si Mia to dismiss the question.

"Are we okay?"

Ngumiti si Andres. But a little bit more like a tired smile.

"We?" Acknowledging the pronoun. "Huwag kang ganyan baka kiligin ako. Haha."

"Nagbibiro ka pa ah. Alam mo naman 'yung nangyayari eh..."

"Mia. Hindi ko rin alam gagawin ko. Walang manual na pwedeng sundin sa mga ganitong sitwasyon. Kahit mas matanda ako sa'yo, I've never had a lot of experiences like this para gabayan ka. Kaya ako, gagawin ko na lang kung anong nararamdaman ko."

Once again, wala na namang maisagot si Mia sa mga ideolohiya ng mamang ito. There's a mixture of awe and envy that this guy can think and act as easy as this.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon