During the wedding, sobrang iyakan ang nagaganap.
Sa pagpasok pa lang ni Jane, si Tom na agad ang humahagulgol. Miala thought it's only in the movies, pero may mga groom pala na naiiyak kapag naglalakad na ang bride nila papunta sa kanila sa simbahan.
She smiles in Tom's gesture. Talagang mahal na mahal talaga nito si Jane na nadamay na rin siya sa pag-iyak. nagiiyakan ang pamilya ni Tom and Jane. Halos hindi tuloy maimagine ni Miala kung siya na ang ikakasal. Baka maglupasay ang nanay niya. Napatawa siya sa sarili niyang imagination pero bigla siyang napatigil nang mapatingin sa lalaking nasa tabi ni Tom.
Mabuti na lang at nakatingin din ito kay Jane kaya hindi siya nakita ni Lenard.
The priest opened his mass with a thanksgiving na pinagpala ang kasal na ito, na kahit inaasahan na ang parating na bagyo, hindi ito bumuhos. Sa katanunayan, sobrang taas pa nga ng sikat ng araw."
Napatingin si Miala sa labas at totoo nga. Hindi pa rin nga umulan.
"Nang pumasok si Jane Guerrero dito, isa pa siyang dalaga. Pero lalabas siyang may-asawa na. Isa na siyang Mrs. Jane Valdez, sa pagtapak niya sa mga baiting sa labas ng simbahan."
Hindi alam ni Miala kung bakit sobrang absorbed na absorbed siya sa sinasabi ng pari ngayon. At kahit alam niya naman na ikakasal na si Jane, ngayon niya lang din pala na-absorb na ang childhood friend niya, magiging maybahay na.
Pati tuloy siya ay naiyak. For her, these two deserve each other. Halos parang isa siya sa kapamilya na balde-balde ang niluluha noong nagpapalitan na ng vows ang dalawa.
"I , Timoteo Valdez, take you, Jane Guerrero to be my wife. In front of our friends and family gathered here I promise to love and cherish you throughout the good times and bad times. I promise to try to remember to put put my dirty clothes in the hamper and to replace the toilet paper roll when it's empty. I promise to remember this day with love and roses. I will love you always—"
Halos tawang tawa ang mga tao sa pinagsasabi ni Tom. Kahit dito, sa araw ng kasal nito ay lumalabas pa rin ang pagkapalabiro ng lalaki.
"... to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish till death do us part."
Hindi alam ni Miala na at this point, napapatingin na rin si Lenard sa kanya. He can imagine that she wants a wedding like this. Na merong tawanan, kulitan. He remembers they even got to the point na napagusapan na nila ang kasal dati. Kahit na sobrang bata pa nila noon, with their 5-year relationship, hindi na nila naiwasang dumating doon.
Dito na rin napatingin si Miala sa direksyon ni Lenard, pero agad ding binawa ang paningin. Halos mapaso ito sa titig niya. Lenard can only sigh.
Si Miala na lang ay nagfocus sa vows ni Jane na kahit hindi nakakatawa ng katulad ng kay Tom, ay sobra namang sincere. Alam ni Miala ang happiness na nadarama ng kaibigan.
"You may now kiss the bride."
Katulad ng kanina, naluha na naman si Miala, because her friends have proven to her that there still is forever. May happy ending pa rin kahit na ang daming panahon na inisip niya na wala talagang happy ending.
Sa kaso nila Tom at Jane. Meron.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...