"Shet. Sinabi niya 'yun? Ang lala!" Napailing na lang si Tom sa mga kinukwento ni Lenard. Bawat detalye ng mga nangyari sa kanila kanina sa pa-party ni Laarni, ikunwento na niya sa kaibigan.
Namimili sila ng rubber shoes ni Tom at sinama siya nito. Kahit papaano, thankful pa rin si Lenard dahil kahit galit din si Jane, nakikipagkita pa rin ang asawa nito sa kanya. Gabi na pero pumayag pa rin itong makipagkita sa kanya at nagawa pang isingit ang pagbili ng kung ano ano. Ang sabi nga, mas madaldal pa daw ang mga lalaki kapag nagsama-sama. Ganito sila ngayon.
"Oo..."
"Anong ginawa mo sa tao? Gago ka kasi Lenard eh. You should've had it coming."
"I know. Pero anong dapat kong gawin?! Tangina parang sala sa init sala sa lamig, pare. Dapat ba 'di ko na lang talaga siya lalapitan?"
"Ganun na nga. Wala kang karapatang magreklamo. Dami mong kasalanan eh. This time kampi ako kay Mia. 'Di mo talaga pwedeng ipilit kung kelan mo lang gusto mo siyang patawarin ka."
"Alam ko alam ko. Pero paano? Hindi na lang ba ako mag-sorry? Magtransfer ba ako ng school para hindi kami magkita??"
"Ha? Dito ka na ba mag-aaral?" Nagtataka din si Tom. Ang totoo, hindi pa talaga sila nakakapagcatch up ng matino in the midst of all the drama. Unti-unti ang pagkuha niya ng mga impormasyon sa lahat ng taong binabalikan niya ngayon. Halos wala talagang nakaalam pa ng lahat.
"Hindi ko naman talaga alam na bumalik na si Mia dito. Ang akala ko nasa Verde pa rin siya!"
Napailing na lang si Tom.
"Mahirap 'yan. Anong sabi ng girlfriend mo?"
"Ayos lang siya. Ganun naman 'yun eh. Very magnanimous."
"Huh? Talaga ba?" Hindi makapaniwala si Tom. "Paanong okay at very magnanimous? Siya ba si God?"
"Baliw."
"Seryoso. May topak din 'yata 'yang jowa mo eh. Saan ka nakakuha ng push-over ng jowa? Baka mamaya hindi na pala okay, sinasabi niya lang. Alam mo naman mga babae."
"Wait lang Timoteo ah. Hindi naman kasi 'yun ang problema."
"Siyempre si Mia. Hindi niya pa alam na dito ka na magaaral." Tom said matter-of-factly.
"Siyempre hindi niya pa alam. Baka magwala na naman 'yun kapag nalaman niya. Kaya nga hindi ko na alam gagawin ko eh. Should I just transfer and let her live?"
Wala na ring nasabi si Tom. Parang kahit ito, naguguluhan na rin kung aatras o aabante ba si Lenard.
"Baka nga just let her be. Try not be near her kahit within 10 meters."
"Kelan ba siya bumalik dito? Kelan siya umalis ng Verde?" Maya-maya tanong ni Lenard ng umupo sila sa isang juice shop. Umorder si Timoteo ng green juice habang mango juice lang ang kay Lenard. Maraming siyang gustong itanong at gusto niyang asarin ito na pa detox detox juice na lang ito ngayon at hindi na umiinom, pero may mga ibang importanteng bagay ang lumabas sa bibig niya. "Hindi ko rin kasi alam na nandito na siya. Akala ko itutuloy-tuloy niya 'yung sa Verde."
"Matagal na... Isang taon lang siya doon, tapos bumalik na siya dito."
Inexpect na 'yun ni Lenard. It would be too self-centered to think na siya lang naman ang dahilan ni Miala kung bakit ito magaaral sa Verde, pero ito ang totoo.
Tumango-tango lang si Lenard.
"Siyempre ano ba namang gagawin niya doon na wala ka. Kayo nagplano non eh."
"Right." Lenard said bitterly.
"She came back with Riley. Her bestfriend."
"Bestfriend." Labas sa ilong na comment ni Lenard.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...