Halos hindi rin naman naubos ni Miala ang kinakain. Wala talaga siyang gana. She didn't know na aabot din pala sa punto ng buhay niya na hindi eepekto ang dalawang panacea na ito.
Lumabas din si Miala papunta kay Lenard at naabutan niya itong nagsisigarilyo.
Hindi inexpect ni Miala na galit ang una niyang mararamdaman upon seeing this sight.
"Ano ka ba naman! Hindi ba't kagagaling lang natin kay Tom. Hindi ka ba naapektuhan sa sakit niya? Na may sakit siya? Tapos kung makapagsigarilyo ka diyan, anong gusto mong mangyari?!" Sigaw niya.
Walang reaksyon si Lenard. Ni hindi ito tumingin sa kanya. Pero tinapon nito ang yosi at tinapakan.
Naglakad na ito papunta sa sasakyan nito at binuksan ang pintuan ng passenger seat kung saan siya sasakay.
Walang nagawa si Miala kundi tahimik na umupo. They rode in silence dahil parehas na sila ngayon ng dinadalang problema. Hindi lang 'yung sa issue nila, pero dahil malapit sa puso nilang dalawa si Tom. At kahit marami na ngayong gustong sabihin si Miala at itanong, pinili niya na lang ding manahimik.
Tahimik lang silang dalawa hanggang makarating ng bahay. They were both so silent and tired pero naramdaman pa rin sila ni Misha na dumating.
Sumalubong ang aso kay Miala habang naglalakad siya sa living area.
"Ah... Inantay mo ako? Inantay mo ako?" She babytalked her dog. Parang gumaan ang pakiramdam niya. Dinilaan pa siya ni Misha sa mukha. "Ikaw talaga ah." Talaga nga namang nakakagamot ng lungkot ang aso. Hindi nawala ang sakit na nararamdaman niya, pero kahit papaano sumayo siya.
Nakita niyang nakatingin din si Lenard so she offered him to carry Misha.
"Gusto mo siyang kalungin?"
"Is that Hachi?" Tanong ni Lenard. This is also the first time that Lenard's expressions softened. Especially after hearing the news.
Umiling si Miala.
"Oh."
"Kamukha no?" Sabi ni Miala habang kinuhuha ni Lenard si Misha. "Misha ang pangalan niya. Inadopt namin ni Riley? 'Yung bestfriend ko."
"Ah..." Ibinaba ni Lenard ang aso at naglakad ito pabalik kay Miala. "Kamukha nga ni Hachi."
"Sobra."
"Uhm." Lenard swallows. "Anong nangyari kay Hachi?"
Miala bitterly smiles.
"She died." Masakit na sagot niya.
Nakita niyang naapektuhan din si Lenard. Parang mas lalo pa yatang sumama ang mukha nito kesa kanina.
"Kelan pa?"
"A few months siguro, after you left." Hindi niya alam kung bakit dinugtong niya pa 'yun. Maybe her spiteful side is still seeping out kahit na anong gawin niyang tago.
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...