Epilogue (March 17, 2019)

31.5K 699 219
                                    

#IHKEpilogue

3 years later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3 years later.

There are three special things happening today. The first are Miala's college and university graduation.

Dahil hindi naman graduating with Latin honors si Mia, hindi niya kasama ang nanay niya sa College of Vetmed graduation. Susunod na lang ito mamaya sa university graduation mamayang hapon. Wala namang regrets si Mia. Her whole college life was a struggle. Mahigit pa sa anim na taon ang ginugol niya, hindi lang dahil sa mahirap ang kurso. Marami rin siyang pinagdaanang problema kasabay nito.

And she never really strived to be an honor student ngayong college. Hindi dahil she never wanted to strive for excellence. At hindi din dahil para biguin ang nanay niya. Pero matapos 'yung mga problema, naintindihan na rin ng nanay niya na hindi siya perpekto.

Her life became much more relaxed after they've became open towards each other.

"Montes, Miala." Tawag ng MC sa kanya na nagmamartsa na ngayon sa harap.

Mula sa malayo, kinawayan niya ang apat na lalaking nakaupo sa 'di kalayuan. Si Andres, si Riley na gumraduate na one sem before her, si Lenard, at si tito Sonny niya na bakas ang anxiousness sa mga mata.

Dahil ang pangatlong importanteng mangyayari sa araw na ito, ay kabilang ito. Sonny Nobleza is planning to propose to her mom.

And this time, napagusapan na nila ito. Kaya nga ito lang ang hindi kasama ngayon. Not to share the spotlight of her graduation. In fact, si Miala na nga mismo ang nag-suggest nito. Mabilis nga kasing makaamoy ang nanay niya, and she would not think that after Miala's graduation, habang kumakain sila sa restaurant, magpo-propose na si Sonny dito.

Kaya 'pagbaba niya ng stage, pumunta agad siya sa mga lalaking ito at mabilis silang umalis para lalo pang makapaghanda.

"Huwag ka ng masyadong kabahan tito. O-oo 'yan si mama." Miala tried to reassure his tito habang nagmamaneho sila papuntang restaurant for the last minute touches.

May pa-flashmob pa kasing nalalaman ang tatay ni Lenard mamaya, kaya magre-rehearsal pa muna sila ng isa, bago bumalik si Mia sa university para sa isa pang round ng mas malaking graduation.

They rehearsed every step. Kung saan lalabas ang confetti. Kung anong ilaw ang gagana. Kung saan lalabas si baby Emilio, ang 3 year old brother nila ni Lenard, o Mio kung tawagan nilang lahat, para magbigay ng singsing.

Inabot sila ng isang oras sa huling dry run bago natapos ang lahat. Pagtapos noon, si Andres na lang ang naghatid sa kanya sakay ni Angelina pabalik ng university, dahil na rin traffic.

At dahil na din sa kalakihan ng populasyon ng university sa iba't-ibang college, inabot ng anim na oras ang graduation. Simula 4pm, halos 10:30 na sila nakarating sa restaurant.

"Congrats, anak." Humalik ulit si Mindy sa anak at nagpaalam na magsi-CR habang dala-dala si baby Mio.

"Hindi kaya magtaka si mama mo na madami pa ring tao dito sa resto, kahit gabi na?" Bulong ni Sonny sa kanya habang naglalakad sila sa loob.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon