Chapter 22 - Family Matters (August 09, 2018)

164K 2.8K 599
                                    

Pauwi na sana si Lenard pero hindi pa rin siya mapakali. He texted Tom kung gising pa ito.

Madaling araw na at alam niyang nakakaabala na siya, pero wala talaga siyang mapuntahan. Ayaw niya pang umuwi at kagalitan ang lola niya na naging pilyo na naman. At siyempre, may gumugulo talaga sa isip niya.

Bigla-bigla na lang siyang nag U-turn sa isang slot sa highway at mabuti na lang walang masyadong sasakyan dahil sa lagay ng panahon.

Sa isip-isip niya, dapat masaya na siya sa pagtatapos ng kasal at reception. Isang maling bagay ang event na ito sa pagbabalik niya sa dati niyang buhay at mga kaibihan. But of course, it didn't even go as planned.

Hindi na nga siya nakapagsorry kay Miala, nagaway pa sila. At sa huli, nasapak pa siya.

Hinaplos niya ang namamagang labi at saka niya lang naramdaman ang pagod at sakit ng iba pang parte ng katawa. He is so exhausted. Anong oras na din kasi. Madaling araw na pero sinasabak niya pa rin ang mauling kalsada papunta at pabalik ng Antipolo.

Because he is more anxious than ever. But what really confuses him is the fact na kilala ni Mindy si Riley. How did that happen? He tries to settle what he's feeling. Naiingit ba siya? Dahil never silang naging legal ni Miala as a couple.

Kahit noong dati, halos magtago sila until the ends of the earth para lang huwag mahuli ng nanay nito. Naalala niya noong nasa Enchanted Kingdom sila for an amusement park date, may nagtip kay Miala na isang malapit na tita, na may nagsabi daw sa mom niya na nakikipaglandian siya habang nasa isang gondola ng isang Ferry's Wheel kaya susugod dito ang nanay niya.

Ang nangyari, ay may nagtext daw pala about their whereabouts ni Miala sa nanay niya. Halos lumipad sila noon ni Miala para lang makauwi. Para lang palabasin na never itong nag Enchanted Kingdom.

Pero hindi nila alam na even 'yung escape route nila na tutuluyan sana, wala. Na-cancel ang reservations ni Miala sa isang retreat house.

Mabuti na lang at may nakilala silang pamilya na pauwi ng Manila na sinakyan nila at madaling nakauwi si Miala.

At isa lang talaga ang pinagdududuhan ni Miala noong panahong 'yun. Ang sariling bestfriend na si Angeli. Miala is almost sure na ito ang may pakana ng lahat ng mga nakakakakabang pagtakas na 'yun. Miala is almost sure that Angeli is orchestrating something behind her back.

Pero hindi naniniwala si Lenard.

And this is his biggest regret. Na nagtiwala siya sa baliw na babaeng ito.

He has always looked at Angeli as the perfect girl. Maganda, matalino, sweet, mabait. Akala niya nagkakamali lang si Miala nang akala.

And it was too late when he knew he was the one wrong.

He has already been sucked in her vicious cycle.

Lahat ng sinabi niyang hindi niya gagawin kay Miala, nagawa niya.

And he thought it was okay. Even after that incident, pinakilala na siya ni Angeli to her family. It was the first time that he felt completely like a part of a family. During those years, sobrang gulo pa ng family set up niya noon. Even his parents are on the verge of breaking apart. At marami ring nangyari sa pagitan nila ng nanay niya na akala niya, si Angeli lang ang makakatulong.

After he graduated elementary, his dad started filing for annulment. Alam niya ang bagay na ito so he was so mad at his dad, thinking na ito ang destroyer ng pamilya nila. Lagi siyang tumakatas to find mom. Doon niya nga nakilala si Miala.

Pero in his subconscious, Angeli has let him realize that with MIala, hindi pa rin siya magkakaroon ng maituturing na pamilya. At least not now. He knows it's not Miala's fault. It was his own insecurity. Kaya sa mga sinabi sa kanya ni Angeli, he chose her company during those critical moments.

At 'yun ang pagkakamali niya. Nagtiwala siya hanggang sa nahuli siya sa patibong.

He then receives a text from Tom na puwede siyang bumalik doon if he's not gotten far yet.

He then receives a text from Tom na puwede siyang bumalik doon if he's not gotten far yet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Miala wakes up at the sound of Riley's alarm. Natuwa naman si Riley na mukhang sober na ito.

Miala suddenly remembers in waves kung anong pinagsasabi niya kay Riley at sa manong driver.

"Oh my god! Sinabi ko 'yun?"

"Ang dami mong sinabi boks." Simpleng sagot ni Riley at niyaya na siyang lumabas. "Tara na baka magbayad pa ako ng extra dito."

"Pero wait, parang napanaginipan ko na nandito si Lenard. Pero parang totoo."

"Wala 'yun boks. Panaginip lang 'yun." Tumingin si Riley sa malayo. Quite afraid na mahuli siyang nagsisinungaling dahil ang totoo, ayaw niya lang talaga sabihin na sumunod si Lenard sa motel na 'yun.

"Pero wait pa ulit. Sa dami ng nasabi ko, pati ba 'yung akto kung pano ko sila nahuli ni Angeli, nasabi ko sa inyo ni manong driver.

"Nahuli? Paanong nahuli mo sila?"

And with those words, alam ni Miala na hindi pa rin ito alam ni Riley.

"Ano 'yun!?!" He curiously asked!

*later*

*later*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon