"Anong problema? Mi? Mimi."Nakatulala lang si Miala sa ice tea niya na kanina niya pa hinahalo-halo. Kanina, ang lakas pa ng tunog ng mga yelo na tumatama sa baso, pero ngayon, tunaw na ito. Ang layo na ng narating ng ng sinasabi ni Riley, bestfriend niya, pero hindi pa rin nito nagalaw ang seafood carbonora na alam nitong favorite ni Miala at mauubos in 5 minutes sa normal na sitwasyon.
"Hoy. Miala?"
"H-ha?" She snapped out of it. Ang totoo, kanina pa iniimagine ni Miala ang magiging sitwasyon sa kasal kung hindi niya masasabi kay Jane na ayaw niya talaga. Kanina pa nagtatalo ang isip niya kung pipiliin ba ang isang hindi kumportableng sitwasyon over her friendship. Kung may halo bang pride ang problema niya o sadyang normal lang.
"Sabi ko, bakit hindi ka kumakain? Sabi mo kanina gutom ka?"
"Ah... Wala. Bigla ko lang kasing naisip, kailangan ko nang magdiet. Malapit na 'yung kasal oh." She said with a faux smile. Pangalawang beses niya na ginawang dahilan ang kasal at ang diet sa pagkawala niya sa wisyo.
"Bakit pa? Akala ko ba kasya kahit kanino ang mga infinity dresses."
Unti-unti na talagang napapatawa si Miala. Tama yata talaga ang pagsama niya kay Riley ngayon. Dahil kahit kalian, nadidistract talaga siya sa mga problema niya sa mga sinasabi at ginagawa nito.
"Bakit alam mo ang infinity dress ha?" Kukurutin niya sana ito sa pisngi pero iniiwas ni Riley ang mukha.
"Papagtripan mo na naman mukha ko." Hinawakan ni Riley ang kamay ni Mia at ibinaba sa lamesa. "Pero seryoso? Anong problema?"
Napatungo na lang si Mia at naghanap ng tamang salita na pwedeng sabihin kay Riley. Kanina niya pa talaga pinagiisipan kung sasabihin niya sa bestfriend ang tungkol kay Lenard. All these years kasi, simula nang mag-aral siya sa Del Verde University sa Verde province 3 years agoat nakilala si Riley, hanggang sa maging magbestfriend sila at sabay na magtransfer pabalik ng Manila, never niyang nabanggit ang tungkol sa ex boyfriend niyang si Lenard.
"Uhm." Huminga siya ng malalim at tinitigan si Riley sa mga mata. Dahil iginigiit din naman ni Riley. Mia thought na mas maganda nga na may mapagsabihan siya dahil ilang araw na rin siyang hindi makatulog dahil dito. "Ano kasi."
"Ano nga? May kasalanan ka ba sa'kin? Uutang ka?" Ngumingiti-ngiti pa si Riley at alam ni Mia that he's just trying to lighten the mood kahit alam nitong wala sa sinasabi nito ang gusting ipagtapat ni Miala.
"'Yung ex ko kasi. Siya ang problema ko."
There. She said it.
Napayuko na naman siya pagkatapos sabihin 'yun. Inaantay na talaga ni Miala ang pagragasa ng maraming wave of questions ni Lenard. Pero lumampas ang halos kalahating minute, wala pa rin siyang narinig kaya napabalik ang tingin niya sa kaibigan.
Gustong uminit ang dugo niya nang makita niya ang marahang pagalog ng mga balikat nito.
Tawang-tawa si Riley!
Seryoso ba? Dahil dito, gustong tumayo ni Miala at magwalk out. Sobrang sensitive sa kanya ng topic na 'to, at ngayon na lang ulit nagkaroon ng chance na maungkat. Parang itong sugat na tinago niya ng sobrang tagal kaya hindi gumagaling. Tapos sa pagtawa ni Riley, para itong biglang kinamot at nagdugo ulit.
Pero sa sobrang lambot ng tuhod niya, hindi niya nagawa ang iniisip.
Nag-panic naman si Riley nang makita ang itsura ni Mia. She wasn't kidding! Namumula na rin kasi ngayon ang mukha nito which is a clear indicator of the feelings she's harboring.
"Hoy, Mi! Seryoso ba ito?" Tumayo si Riley at lumapit sa kinauupuan ni Mia. Tinanong niya pa rin.
"Ewan ko sa'yo! Tinatawanan mo pa ako!"
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...