#IHK64
Late nang pumasok si Miala ng araw na 'yun. Wala rin si Riley sa mga subjects na magka-klase sila which made her a little miserable. Hindi niya na talaga alam kung maniniwala ba siya kay Franchette at sa lahat ng mga sinasabi nito, but with his friend's absence, she became concerned.
She tried to compose a text. Ilang ulit. Ilang bura. Ilang edit. She doesn't want to sound like she's implying something, but she also don't want to be indifferent like she doesn't care about it. With the idea that Shey planted— that Riley may be attracted to her, hindi niya alam kung dapat niya ba ito i-overthink, or just brush it off.
She didn't know what's the best response, lalo na, na wala naman sinasabi si Riley sa kanya na kahit ano. Ayaw niyang maging assumera, pero ayaw niya rin namang maging insensitive.
Naalala niya 'yung mga pinagsasabi ni Franchette habang hinahatid siya nito sa bus.
That she wished her to be wise, and kind, and happy. That she can choose not to deal with everything all at the same time, but she needed to face it one by one.
Bago niya pa man masend ang message niya kay Riley, pumasok ang tawag ni Andres.
"Hi Puppy? Kamusta? May balita ba ulit sa Mcdodo?" She remembers the good news na totoo namang nagpasaya sa kanya kaninang umaga. Isang napagandang opportunity para sa McDodo na maging parte ng OST ng pelikula at hindi niya na naman mapigilang maging proud.
"Ha? Wala pa. We're meeting them next week 'di ba? I'm calling because your mom called me. Is it okay for me to talk? May klase ka ba?"
"Ha?" Napakamot si Miala. "Wala. Wala pa akong class. Na-dismiss kami ng maaga sa last class ko. Bakit? Anong sinabi?"
She couldn't believe how her voice sounded so controlled. Dapat, nagpapanic na siya eh. But she can't help but remember her last conversation with her mom.
She was ready to confess that time, that all she has with Andres is a big charade para hindi na siya ma-bash ng mga tao. Pero anong sinabi ni Mindy? All she cares ay 'yung sasabihin ng ibang tao.
("Hindi mo ba nasabi na hindi naman tayo?") Tanong ulit ni Andres mula sa kabilang linya nang hindi siya magsalita.
"Hindi ko nasabi eh. I'm sorry."
("Ahh..")
"Ano bang sinabi sa'yo?"
("Well... She said some things.") Ani Andres. Pero alam naman ni Miala na siguro, masasakit ang sinabi nito sa lalaki and Andres is just trying to filter things out at hindi pagsalitaan ng masama ang nanay niya. ("So, I assume, hindi mo pa nasabi sa kanyang hindi naman talaga tayo."
"I'm sorry."
("Mia, it's okay. We just need to be levelled. Gusto ko lang malaman eh bakit hindi mo sinabi?")
BINABASA MO ANG
I Heart Kuya (Completed, 2019)
ChickLitLanguage: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Miala's ex, Lenard is coming back to her life after 3 years. How dare he? After cheating with her, he l...